Tuesday, December 9, 2008
hot air balloon
this is my fourth try in watercolor painting. the third one, the pink flamingoes, i haven't taken its picture yet.
ginaya ko lang 'tong subject na ito sa cover ng aking watercolor pad paper from canson. so.. hinde ko talaga idea to. tinatry ko lang kasi kung makakaya ko ngang gayahin.
sabi ni jason, sa lahat, eto daw ang pinakamaganda kong painting.. well... siguro nga.
.
Monday, November 24, 2008
just another update
medyo busy lang and nagkasakit kasi ang aking unico hijo kaya hinde nakakainternet.
aquim had pneumonia. nagkaubo ubo lang siya na parang nasasamid nung week of october 20-25. sobrang dalang and hinde regular so i can not tell kung iuubo ba talaga. pero by october 25, pinacheck up namin siya and was given loviscol. that night, nag grabe lalo ang ubo nya and nilalagnat na. after two days, i informed his pedia that his condition did not improve a bit, so we switched to ambrolex. by wednesday night, october 29, we rushed to the ER of medical city. sobrang wasted na kasi si aquim. grabe.
thru x-ray and blood test, it was confirmed that he had viral pneumonia. salamat sa Diyos at hinde naman kami na-admit. we were given antibiotics, for 7 days yun. so ang aking kina eexcited-an na trick or treat ay hinde nangyari kasi kami ay nasa bahay lang. pati nung all saint's and all soul's day.
hayy.. talaga naman na mas gugustuhin ko pa na nag-aaway kami ni aquim dahil sa kakulitan kesa yung nakahiga lang siya.
ngayon okay na si aquim. hinde naman nagrelapse yung ubo nya. so i guess completely wala na yung mga plema sa lungs nya. although the last 3 days, nilagnat na naman siya, shot up to 38.8 degrees celcius. wala naman akong makitang reason kasi hinde naman siya inuubo or sinisipon. baka nag iipin lang. if lagnatin siya uli, to give us all peace of mind, dadalhin na naman namin siya sa pedia nya.
anyway, another news, we now have our yaya, si yaya ana. we got her lat november 16. kakilala siya ng yaya ng pinsan ni jason. so far so good. nasa adjustment period pa kami. sanay na naman siya na mamasukan so the adjustment is more on our side. kasi hinde naman ako sanay na me helper. kahit nung mga bata pa kami, wala naman kaming helper, so imagine kung pano ako napapraning na bantayan ang mga ginagawa nya.
haha. at sinusumbong ko ke jason ang mga ginagawa nya para si jason ang magsabi sa kanya. hahaha. good cop, bad cop. pero ngayon medyo nakaka adjust na kami, although simula ng dumating siya, mas lalong naging maka-mommy si aquim. haha. laging naka "mommy". nakakatunog ata ang aking anak kung bakit kami kumuha ng helper.
we had her undergone a pre-employment check up, xray and hepa test. i'll get the results today. hopefully okay ang results. we're still on the process of securing our house kaya hinde ko pa rin maiwan totally ang house and si aquim sa kanya. hopefully before the year ends, pwede na akong maka alis ng house and iwan silang dalawa. dry run period ba.
with my job hunting, wala pang balita. kasi nga kahit na may yaya kami, hinde ko pa rin naman sila maiwan kaya hinde pa rin ako makapag hanap ng work. and nasabay pa nga na nagiging sakitin si aquim these past few weeks. anyway, i just had a single interview before maER si aquim. and wala pang balita. sana next week, i can really focus on this. mas feeling ko kaya ngayon, i'm really useless! haha kasi naman yung mga household chores ko me gumagawa na ngayon, feeling ko talaga tambay na tambay na ako.
and lastly, i have painted 3 more subjects. a flower, flamingoes and a hotair balloon. will try to post the pics tomorrow.
so there.
Thursday, October 23, 2008
wish ko lang..
nope, this painting is not mine. wish ko lang. wish ko talaga i can be this good. nice noh? i think i'm improving naman. haha paunti unti.
i asked jason kagabi kung pwede ba kong mag oil or acrylic na lang. hahaha kasi parang ang hirap icontrol and imanage ng watercolor kasi nga transparent siya diba, not unlike the first two media i mentioned, opaque. oh well. sabi ni jason, magpractice na lang daw muna ako sa sa watercolor.
ang dami ko na kayang nakalinyang subject. dont know if i can give justice to them. sana meron man lang worth na maikuwadro kahit isa man lang sa aking mga paintings hihih sabi ni jason, ubusin ko muna daw yung 24 sheets ng pad ko chaka kami mamili kung meron kakuwadro kuwardo.
.
~~~~
if you ask, God will answer. Yes, He does. :-)
Sunday, October 19, 2008
thankful
sometimes nakakalimutan ko na yun. dahil kakatingin sa kaliwa't kanan. sa taas at sa ibaba. kung nasan man ako ngayon, medyo marami na ngang nakalampas at pinalampas. pero at the end of the end. ang dami pa ring dapat ipagpasalamat.
but of course, we should always think that things will get better. it should.
hay.
today, we received some good news (i'd like to think that IT IS good news). God knows where will this take us.
i'm not making any sense. i know.
soon you'll know.
.
paint my world
ayaw ko nang ikuwento kung ano man ang mga nangyari nung panahong hinde ako nagboblog dahil for sure, nothing much has happened. kung meron man, basahin nyo lang dito sa blog ni aquim hehehe..
to keep myself a little more busy, hinde naman sa hinde ako busy. ano lang 'to, parang some form of 'jolen time'. hehehe at dahil pangarap ko nga nung bata pa ako na maging artist at maging painter (sa pag aakala ko na madali lang magpaint), sinubukan kong tuparin ang isa sa aking mga childhood dreams. and here's a couple of my first masterpieces. nakss...
o diba, gumamela yan. hehehe sarili kong painting yan ha. ginaya ko sa isa sa aking mga picture opp.
at eto, eagle ata yan eh, o hawk. sample exercise kasi yan na ginaya ko sa isang watercolor painting site, john lovett.
nung ipinakita ko jason yung gumamela ko, sabi nya, ano yan papaya? in fairness, nung nakita naman nya kasi is pabaliktad ang tingin nya at kadarating lang nya galing work, so baka pagod kaya hinde nya naintindihan masiyado hahaha..
at ng ipakita ko ang aking eagle, sabi nya, pugo daw yun. odiba hanep sa encouragement. at dahil naghahanap ako ng kakampi, ipinakita ko sa aking anak. baka mas maappreciate pa ni aquim.
mommy: baby, what's this (refering to the gumamela)?
aquim: fawerrr (flower)
mommy: very good. (proud na proud ako. dahil alam na ni aquim kung ano ang flower at dahil narerecognize nya na flower ang painting ko hahaha). buti pa si aquim, nakakaintindi na ng art.
mommy: e eto baby, what's this (eagle)?
aquim: DUCKKKK!
mommy: ngek!
hinde daw marunong magsinungaling ang mga bata. hanep ang aking mga kritiko. hmmm...
di mo alam kung maeencourage ka or madidiscourage.. hehehe
.
Wednesday, September 17, 2008
aquim's 1st birthday party - supplier's review
VENUE
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(-) Sabi nila, 250 ang capacity nung venue. Pero parang hinde naman kasiya. Napuno namin ang venue, pero when i counted the guests after the party, hinde naman kami umabot sa maximum capacity, adults and kids combined. Parang masikip siya for 250, to think na hinde naman ganon kadami ang mga decor namin at mga food carts.
(-) Sinabi ko din sa kanila during the signing of contract na 50 kids ang guests ko, i was expecting na ang iseset-up nilang kids tables and chairs is for the agreed number of kids, pero nung pagdating ko dun, for 20 kids lang ang naka setup. When i called their attention about that, sabi nila, itabi na lang sa parents yung ibang kids. At baket sila ang nagdecide para sa akin? Hinde naman nila yun sinabi before. So nakakalito lang kung ano ba talaga capacity nun place. Nasikipan lang ako.
(+) Yung aircon nila, okay lang. Mainit lang talaga before the party started. Kasi 1 hour tlaga before the event pa bubuksa yung aircon. Pero during the party, hinde naman malamig, pero hinde rin naman kainit. Wala naman guests na nagfeedback sa akin kung nainitan sila. Yung play area nila is okay din. Pero hinde naman masiyado nagamit ng mga bata, kasi busy sila sa panunod sa buong party programme.
(+) sound sytem okay lang din. atleast this is one area na hinde ko na kailangan problemahin kasi kasama na talaga sa package nila.
(+) may CCTV security camera
(-) Hinde sila consistent sa pagnename ng celebrant nila kahit na meron namang finill up-an na information sheet. Dun sa blackboard sa labas, kung saan nakalista lahat ang me party sa araw na yun, ang nakalagay sa slot namin, 'Joaquin Alonzo' (mali, kasi JOAQUIM dapat). Dun naman sa mga directional boards ang nakalagay, 'Joaquim'. Dun naman sa banner sa me buffet table, 'Alonzo' ang inilagay nila. Pinalitan lang as per my direction, kaya naging 'Aquim', bago magsimula ang party.
(-) Inatat kaming magpack up, to think na hinde pa naman pala 5PM. Sabi pa nila pwede kami mag extend until 530. Hinde na tuloy nakapagpalitrato yung ibang guests.
(+) Accommodating naman ang staff and and magagalang. From time na nag iinquire pa lang hanggang party itself.
(+) okay ang location, feeling ko nasa gitna lang siya. accessible for the people from north (qc area), south (manila and makati), east (cainta).
(-) madaming babayaran kasi bawat item na ipapasok mo, me corkage fee na P1k.
(+) Pero masipag silang mag follow up and magremind. like, nakapencil book lang kami, follow up sila kung itutuloy na ba. Then follow up din sila para sa menu.
(-) Hinde lang din namin nalinaw kung ilang staff ba ang nakaassign per event. Parang nakulangan kasi ako sa waiters. I have to call their attention pa to serve drinks kasi me ibang guests, wala pang drinks. Yung ibang kids, wala ng name tags. Wala kasing nakatao dun sa unahan. Ewan ko lang kung dapat meron bang tao dun talaga from them. Pero kasi yung last party na nakita ko dun, meron nakatao sa unahan para magbigay ng party hats at name tags. So bakit sa amin walang naka assign dun? Hinde ko na rin naman natanong sa naghandle ng account namin. Parang lahat ng staff, andun nakasiksik sa buffet. Wala din naman nag assist sa akin nun bago magparty. parang walang nag offer to fix the cake, or kung ano pa ang pwede nila maitulong. dahil ba inoutsource ko yung mga items na yun? Buti pa si apple, tumulong mag ayos ng cake, ng cupcakes, prizes and souvenirs.
FLOATING BALLOONS
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) hinde naman namin priority ang décor. Feeling ko nga kasi kalat lang and sayang lang. pagdating namin dun, meron ng floating balloons. Siguro yun yung décor nun party before us. Hinde naman na kasi matatanggal kaya ayun, napakinabangan na rin namin. so mabuti na rin at merong naunang nagparty sa amin kasi naiwan yung decor nila.
(-) too bad kasi yung sarili naming decor, hinde rin namin nakuha nung natapos na kami. wala namang nagtanong sa akin kung gusto ko bang iuwi yung mga balloons na kami ang naglagay. sayang din yun noh!
FOOD
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) Okay ang food, masarap naman. Kahit na hinde naman namin personally natikman ni jason lahat, based on our guests feedback, masarap naman daw talaga. And nabusog naman sila. Pinakamaraming natanggap na good feedback is yung party spaghetti!
(-) matagal nga lang pag nagpa additional order ka kasi niluluto pa talaga. eh ang minimum order nila per item is for 30 pax. so kailangan tantiyahin or mag ala carte na lang, which is mas mas mahal.
PARTY HOST (JESTER)
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) overall hosting ni jester is okay. Effective and hinde boring. Nag enjoy naman ang mga guests and me mga nag feedback na okay siya talaga. Kakaiba yung mga games nya, hinde yung typical na games, me trivia/texting game, yung fruit salad, yung sa mga mommies. kakaiba din yung bring me. not the usual bring me. kung baga, mejo guessing game na din. me costume change pa pala siya. hehehe
(-) Me mga magic and effects lang siya na pumalpak, it happens talga siguro, ganon talaga. Pero click naman yung ibang magic nya talaga. Wala naman kakaiba sa mga magic na pinakita nya. Yung mga palpak, dinaan na lang sa patawa. Hehe
(+) click at kakaiba ang ventriloquism/puppet show nya. click na click. Kakaiba kasi. Ako din na amused and na amazed. Akala ko me dala lang siang hand puppet na tipong kermit or what. Pero mask lang pala dala nya and me audience participation pa! heheh click din sa bata yun kasi nakakatawa yung face nun 'puppet' nya pero yung message nun show nila, hinde ko alam kung malinaw sa mga bata yun.
(+) sumasagot din sa email nung naginquire ako about his planned programme and kung anong mga prizes and dapat kong iprepare.
(-) hinde ako masiyadong solve sa balloon twisting kasi konte lang naman ang natwist niya. I asked pa naman the red barn staff kung ilan ang balloons na ittwist. Gusto ko sana kasi lahat ng kids magkaron or malaman ko ba kung ilang kids ang mabibigyan. ang sabi ng redbarn staff depende daw sa kids, kung ilang daw ang kids. hmpf. eh parang 5 kids lang ang nabigyan ata, and hinde naman ganon ka spectacular yung mga natwist.
ICE CREAM AND CHOCOLATE FOUNTAIN
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) Big hit talaga ang ice cream and choco fountain sa mga guests. Ang ice cream namin is 150 servings, pero naubos talaga. Ang choco fountain, 100 servings pero madami din ang nakakain. Ang ibang guests as in pabalik balik talaga. hehehe. me nakita pa ko, yung ice cream, dinawdaw sa choco fountain hehehe. ang flavors namin is ube, rocky road and cheeze. hehe. hinde ganon katingkad yung kulay pero malasa ang ice cream. maganda rin ang texture, hinde maaligasgas at hinde yung tipong natutunaw agad pagsayad sa labi. lahat ng guests namin nakatikim nito and lahat nasarapan. pwera lang si jason, hehe hinde nya natikman eh!
our flavors pala were rocky road, cheese and ube. The chocolate fountain has a lot of dippers to choose from: mallows, wafer sticks, wafer, banana, pineapple, pretzels among others.
FLOATING AND DROP BALLOONS
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) okay lang. wala naman kasin kakaiba sa décor namin. And sa akin pasado na talaga yun. Maaga silang nag set up and observant si apple. Feedback nya agad sa akin kung ano set up sa red barn, kung gusto ko ba daw yun. Kasi naman ang nilagay ng taga red barn na name ni aquim eh 'alonzo'. hinde naman nila ko tinanong kung ano ang ilalagay, basta na lang sila nagdecide. buti na lang nun nakita ni apple yun, inform nya ko agad at pinabago na din nya agad. tinulungan nya din ako sa pag aayos ng cake, cupcakes and cookies. pati sa prizes and souvenir. hay. siya ang gumawa ng pag a-assist sa akin, hinde ang taga red barn. hinde ko nga alam kung nakakain sila eh. hay. pero sabi ng staff kumain daw sila. hinde ko lang alam kung kumain si apple. kasi nawala siya nung party eh. tapos lumitaw na lang uli. hehehe. pero okay lang naman sa akin nun umalis siya. akala ko nga hinde siya magstay kasi hinde naman ganon kalaki ang binook namin sa knya. i mean kunte lang diba, hinde naman full party setup.
(+) okay lang din ang drop balloons. As ive said, decor is not our priority. Gusto lang talaga namin na magkadecor para hinde magmukang kawawa ang party. Pero sana pala balloon stick na lang para naiuwi ng mga bata. Eh naiwan lang din kasi namin dun sa party. Sayang talaga. tinanong nya kung ano ang preferred color ko sa balloons, wala naman akong gusto. basta makulay lang. siya na lang nagdecide kasi medyo natagalan akong sumagot.
(-) tapos ask nya din name ni aquim, hinde ko naman alam kung san ilalagay, baka kako me kakaugnayan sa decor na gagawin nya. wala naman. akala ko kasi perzonalized un ice cream cart, hinde na din pala. hehehe. misan lang din tagal nya sagot. bc kasi siguro sa work. pero hinde naman siya nadelay sa deliverables.
PINATA AND PABITIN
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) pinata is okay, lion head as what we have agreed on. Hinde ko lang alam kung ano yung mga candies sa loob. Hinde ko naman na naispect.
(+) Pabitin is okay lang din. Typical prizes lang din yun mga nasa pabitin. Parang nakulangan lang ako for 500 pesos. Oh well.
(-) ngapala, yung price nun pabitin and pinata nya sa website is hinde na updated. yun pa naman ang naibudget ko. pero when i asked nun quotation, iba na yun binigay nya. i asked kung pwede pa yung dati, eh dami na daw nagtaas. yun lang. sayang, hinde ko nahabol yun old price.
FACE PAINTER
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(-) limited lang yung mga choices na maipaint. Mabagal daw sabi ng ibang guests. Hinde lahat ng gusto magpa face paint eh nakapagpa face paint. Hinde ko alam kung marami bang guests o mabagal nga lang. hinde naman din kasi malalaki yung pinepaint nya, so baka mabagal nga. i was expecting na makakpag paint siya ng entire face talaga or kahit half. pero mga character lang ang napepaint nya, yung tipong pang pisngi lang.
(+) pero maayos naman yung mga napaint ni kuya, i mean, kamukha naman nung mga characters talaga, in fairness.
MINI NOTEBOOK SOUVENIR
Printed Matter
www.printedmartter.com.ph
(+) Ayos talaga kausap sina kerwin and phoebe. Binigayn nila kami ng discount , eh kasi naman madami din order namin noh.
(+) they delivered, on time , as per our desired outcome. kerwin even made sure kung okay lang ba sa kin na putol yung text nun isang cover. sabi ko oo, go na yun kasi i have no time na to edit the layout.
yung layout, dyi kasi nga gusto ko lang baket bah. pero printedmatter can also do the layout at no additional cost dahil kasama na yun dun sa mock up, for your approval. at dahil maraming marami ngang picture si aquim, 3 uri din ang ginawa kong notebook. Oy naubos din ito ha. Walang natira sa amin! Yung mock up lang natira sa amin. Hah!
PHOTOGRAPHY SERVICES
Ging Lorenzo
www.photosbyging.blogspot.com
service lang muna kinuha namin ke ging. Baka kasi wala pa kaming budget para sa buong album package.
(+) Akala namin, 1 photog lang, na si ging lang ang kukuha, kasi as per contract, yun lang naman talaga. pero 2 pala sila. So good deal na din kami sa 5K.
(+) Service wise, mabait naman sina ging. Matiyaga din. maaga sa event. nakakahiya nga lang kasi latekami. at nasa amin pa lahat ng details na kukuhanan nya.
(+) maganda naman ang output nya. that eto ang ebidensiya.
(-) ako sana, gusto ko pa magpictorial. gusto ko pa libutin ang fun ranch. kaso pagod na si jason. at si aquim. hinde rin na nakapagsuggest si ging ng mga kakaibang location. hinde ko alma kung wala na ba tlagang magandang location. dun lang kami tlaga sa big red barn. hinde na siya nagsuggest ng ibang photo opp. like sa zoo or dun sa lagoon.
CAKE, CUPCAKES, COOKIE LOLLIES
Cake Avenue
(+) Mabilis sumagot sa email
(+) Priced just right
(+) madaling hanapin yung place nila.
(-) maliet yung pangalan ni aquim sa cake and forgot to ask me what my preference is
(+) mabait and courteous yung staff and owner
(+) maganda yung cake, masarap and tama lang ang tamis.
(-) madaling madurog yun cookies
LOOTBAGS
168 Mall at Divisoria
(+) cheap
(+) Attractive
(-) Nakakapagod nga lang.
pero sold out yung lootbags namin, 70 pcs yun, around 60 ang kids, pero naubos. Kahit yung paper lootbags, me nakakuha din. Hinde nga lang theme yung lootbag namin, eh pero pwede na. pinag agawan pa rin naman ng mga bata.. At nanay. hehehe
LOOTBAG CONTENTS (NON-EDIBLE)
168 Mall at Divisoria
(+) yung stickers, coloring book, ballpen, bubbles sa 168 mall ko binili. Okay naman ako sa bubbles and ballpen. Kasi maayos naman chaka mura. Pero yung stickers, sana natawaran ko pa.
(-) tapos yung coloring book, disappointed ako. Kasi naman, hinde ako nakatawad tapos hinde pa ko pinakitaaan ng sample, so nun binukasan ko dito sa house, ampangit pala. hmpf. me mas maganda pa sana akong mabibili dun. hmpf.
LOOTBAG CONTENTS (EDIBLE)
Robinson's Big R (Cainta)
(+)
yung mga foodies, dito sa robinsons big r ko binili. okay naman. hinde naman marami, sana hinde sila nabitin. toblerone minis, crunch minis, strawberry puffs, fruits slices, gummy bear, chewing gum, star fruits candy, choco mallows, pretzels, milo choco.
PRIZES
SM Toy Kingdom
(+) cheap lang din. Hehe sana lang naenjoy ng mga bata. Madaming sale dun eh, yung mga sale ang binili namin. Hehehe hinde ko lang alam kung yung choices namin, yun pa din ang gusto ng mga bata ngayon.
INVITATION PRINTING
Kodak Glorietta (near landmark)
(+) Sa kodak glorietta kami nagpaprint ng maramihan. 6.50 ang regular printing, if 50 pcs, 5.50 lang.
(-) kahit na inadust ko na yung layout, me nacrop pa din. so sa sunod, alam ko na talaga gagawin ko.
ENVELOPES AND PAPER FOR THE MAP
National Bookstore Glorietta
(-) hehehe medyo nahirapan lang pala ko sa sobre. parang walang eksakto lang dun sa size ng invite, kaya malaki na lang yung sobre, tapos limited langdin yung kulay ng sobre. yun lang. yun map ako din gumawa and kami na lang din ang nagprint. black and white na lang para tipid. hehehe
INVITATION, MAP and TARP LAYOUT
DIY, Mommy :)
siyempre ako ang nagcareer. searched the net for sample invites and wordings and clip arts na appropriate sa theme namin. then just do it using powerpoint. at dahil sinipag ako, 3 types ng invites ginawa ko hehehe.
siyempre, layout nito ay ako din! Hehehe in fairness, marami naman nagsasabi na maganda ang gawa ko ha. Invites and tarp, kaya proud ako. Hehehe. Kahit yung printer nagtanong kung san pinagawa yun layout heheh so super proud talaga ko jan. for the tarp priter, ipinakisuyo ko lang yun kaya hinde ko alam kung san ipinagawa. pero okay naman yun printer, pwede ngang on that day makuha agad eh. 25 pesos per square foot. yung samin is 7 x 8 so around 1400 siya.
BACK UP PHOTOG
Ansbert Bidol
(+) hehee ..as always, maasahan si abet na magpicture.
(-) Goodluck na nga lang kung kelan makukuha hehehe .. Yun picture ni aquim nun binyag wala pa sakin eh. Hehe kaya hinde ko alam kung maganda ba ang kuha! Hehahahah
VIDEOGRAPHER
Toneng
hehehe ayos na din, basta me record ang birthday ng aking anak. matiyaga si toneng at chaka buti nga pumayag siya na siya ang humawak ng video cam noh! (Thanks!)
medyo madilim nga lang kasi naman wala naman kasi ilaw diba. Medyo nakakahilo nga lang hehehe kasi naman hinde napapatay ni toneng yung video so me mga moment tlaga na puro paa nakikita namin. hehehe anyways, kasama yun sa package hehehe
ayan natapos ko din. hay. there.
.
Wednesday, September 3, 2008
bakit nakakalungkot ang dapithapon?
hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdam ng ganito pero may kakaibang dala ang dapithapon. parang may binubuhay siyang damdamin na nagmumula sa kaibuturan ng kalooban ko na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
kahit mag-isa o kahit may kasama, pag dapithapon na, parang nagbabalik ang mga alala ng nakaraan. nung bata pa ako at naglalaro sa mga bundok ng buhanginan habang tinatawag ng nanay kasi oras na ng pag-uwi. mga panahong tapos na ang klase at oras na ng paglalaro. mga panahong may kahawak-kamay. mga panahong nakikipagkuwentuhan. nung mga panahong parang mas magaang ang buhay... hindi naman sa hindi ako masaya sa aking buhay at kalalagyanan ngayon. pero meron talagang kakaibang dulot ang dapithapon... hayy..
bakit nga kaya? dahil ba nakalipas na naman ang isang maghapon? dahil nalagas na naman ang isang dahon sa puno ng aking buhay? dahil kung ano man ang nagawa at nangyari sa maghapon na ito ay hindi ko na mababago at hindi na mababalikan?
bakit nga kaya?
sigurado ako, sa mga darating na dapithapon, ang maiisip ko naman ay ang mga sandaling na magkasama kami ni aquim. na karga karga ko siya habang nakatayo kami dito sa terasa at dinadama ang samyo ng malamig-mainit na hangin sa aming balat, ang paghihip nito sa aming mga buhok. habang nakatanaw kami sa ulap..at sa papalubog na araw. malamang, ang alaalang ito ay magpapangiti sa akin, balang araw... sa isang dapithapon.
photocredit: taken last february at sofitel
.
Tuesday, September 2, 2008
baket kaya sila ganon?
the other night, i was leafing through the latest preview magazine and i chanced upon this ad for the new samsung phone (forgot what model). i'm not particulary interested with the phone, but what made me notice it was one of its features, it says that it runs in Windows Mobile 6.1 professional.
my atom exec runs in windows mobile 5.0 ( i think), the then-latest version of windows mobile, so i was quite surprise to know that there is already a new version.
so i then switched to microsoft site, to learn more about the new version and to see if i can upgrade to it. but when i logged on the microsoft mobile site, there is still no link for an upgrade. still the old links i see everytime i visit the site. so i think, why not visit the 02 site to see if they have something to offer about this.
lo and behold, when i tune in to their site, this is what is saw. apparently, my atom exec is now one of their DISCONTINUED PRODUCTS. what the f...
okay, fine. no problem if they will no longer offer atom exec. i don't mind. but what's the catch? verbatim: Discontinued products have limited support. Please note that repair is subject to availability of parts. No swaps.
EH SINO BA ME SABING I-DISCONTINUE NILA YUNG PRODUCT!!!! BAKET BA SILA GAGAWA-GAWA NG PRODUCT, IBEBENTA NILA TAPOS IDIDISCONTINUE NILA TAPOS LALAGYAN LAGYAN NILA NG LIMITED SUPPORT???? PANO NAMAN KAMING MGA NAUTO NILANG BUMILI NG LETSENG PHONE NA TO!!!! PANO KUNG MAGKAPROBLEMA KAMI, KANYA KANYA NA LANG KAMI NG PUNTA SA GREENHILLS???!!!!
hayy.. nakakainis talaga.. grrrrr.... although i am still quite satisfied with my phone, and so far, after 18 months of using it, i still haven't encountered any problem with it, save for its battery life, nakakainis lang na ganon ang post-sales services nila...
what does a poor consumer do after learning this, wala. e di hope and pray that the atom exec won't fail me. that it won't break up on me. not until i'm satisfied with its service. this phone should serve me up to the last cent that i paid for it. huh! this phone could have bought me one designer bag huh!
now i'm thinking if i should have bought HP or palm. hmm.. i don't have plans of buying another phone or pdaphone per se. wala pang budget.
so ano na ngayon, atom EX-ec na ang phone ko? or atom EK-EK?
.
mahal pa kaya ni sharon si gabby?
nagtatanong lang po!
SUSUNOD!
.
Tuesday, August 26, 2008
go green!
photo credit: hollisterco.com
as if naman me pagkakaiba iba tong mga shirts na 'to, noh.. heee
2 button pique polo shirt
3 button pique polo shirt
5 button pique polo shirt
photo credit: lacoste.com
o diba, ang gandang combination, red and green. paskong pasko ang dating!
.
the diva in me
was able to try this pink (pero mukhang red sa paningin ko) enzo angiolini flats in rustans kasi last june. ganda! nagmukhang totyal ang paa ko! hee
photo credit: bloomingdales.com
pero i wouldn't mind din this miu miu
photo credit: raffaello-network.com
or this marc by marc jacobs
photo credit: eluxury.com
sana lang ma afford ko noh. nakaka frustrate lang. anyway, kung wala na talaga, pwede na lang din yun red slim basic havaianas, parang katulad netong sa gap..
photo credit: gap.com
sa ngayon, magtiyaga na lang muna ako sa red toe nails ... heee
.
Monday, August 25, 2008
of lolas and lolo
Of course, I really appreciate their love and concern for Aquim, but there are times that their way is not the way how we want it to be.
Case in point, they want to give all those stuff that I think, and I believe most moms my age would agree, is not yet fitting for his age. Say chocolates, candies and all those sweets. At first, I was really stern about this, I don’t want to mess up his baby taste buds yet. But most specially, I would want sana to raise a healthy eater. I want Aquim sana to favour good food over the not so good ones (personally I love sweets that’s why I can’t say that sweets are bad food heee). I want him to be able to enjoy all kinds of food din naman. Cakes, ice cream, chocolates. But later na lang sana. Not at this stage. But then, I gave in. I allowed Aquim to taste little by little those sweet stuff. Sabi nga ng mga lola, konte lang naman, para matikman. O siya!
On disciplining Aquim, when he has tantrums, I would say, no one is brave enough to countermand me, good thing. When Aquim and I have the fits, his Lolo and Lolas are there, siding by me. So we still see eye to eye on this. I’m dreading the day when one of them would stood against me. Hay…
With Aquim’s Lolo and Lola, I would say, I really don’t have that much problem. I know Nanay and Tatay and Auntie appreciate and understand how we want Aquim to grow up. I’m having more of this issue with my own Lola.
You see, my Lola is around 70 years old. So explaining things to her is quite an act to do. Of course she can still hear me, she can still understand things clearly, but she’s quite sensitive.
Everytime that Aquim is with her, she would give him bread. Never mind if Aquim has just taken his milk and is already full. Okay lang. Not bad, ‘di ba? But she is manning her store, selling things, holding a lot of things, holding money. And she would hold the bread, and put it on Aquim’s mouth. Yay! All those germs. So really, I’m not wondering why Aquim has this intermittent thing with diarrhea.
I would tell her, ''la busog pa yan. Wag mo na lang muna subuan’. She’d say ‘konte lang naman’. And would continue to do so. Hay.. I don’t have the heart kasi to tell her, ‘'la madumi ang kamay mo, maghugas ka muna’.
Just yesterday, I was feeding Aquim pan cakes. She sat beside us, holding french fries and about to give it to Aquim. I told her, ‘'la bawal yan ke aquim kasi mamantika’. She stood up without saying a word. I know she took it against me. ‘Cause that was not the first time that I turned down the food that she wants to give Aquim. Earlier that day, she wants to feed Aquim ‘ginataang langka with bagoong’. I also told her, ‘'la bawal yan, me bagoong’. She replied: ‘dami naming bawal!’. And walked away.
There are a lot of other things, and sometimes, she just sneaks up on me. heee just this morning, he was able to give Aquim chocolate porridge. Hay..
I don’t know. Sometimes, I’m thinking, what if I just let her do what she wants to. But then again, this concerns Aquim. And I am her mother and I have to stand to what I believe is right and good for him. I’m just reminding myself that giving in once in a while is okay, just to make everybody happy. But at the end of the day, if something’s wrong with Aquim, I’m still the one who’s responsible for him because I’m his mother. I’ll just content my self that lola will somehow forget all those ‘bawal yan’ I told her. Heee
.
Sunday, August 24, 2008
si yao ming, si felipe, si remy at si sharon
habang pabalik ako sa aming bahay, nadinig at nakita ko ang mga pinapanuod ng aming mga kapitbahay. kami ay nakatira sa ika-8 pinto, mga 6 na pinto din yung nadaanan ko (sarado kasi yung ibang bahay). at lahat sila, ang pinapanuod, si annabelle rama, 'day. nanunuod sila lahat ng sharon. naman! siyempre, panauhin kaya niya si kc at si richard. at si annabelle nga. napahinto rin ako at nakinuod sa isang pinto. nakakaaliw nga naman kasi talaga si annabelle. para sa akin ha, papanuorin ko rin ang sharon dahil ke annabelle. hehe.
pagdating ko sa bahay namin, dali-dali kong sinilip ang aming telebisyon, para maabutan sana kung ano pa ang mga birada ni annabelle. ay mali. maling palabas. sabi ko: daddy, ikaw lang ang iba ang pinapanuod. lahat ng nadaanan ko, sharon ang pinapanuod. tayo, beijing olympics. nginitian lang ako. hinde na ako umapela, ako naman kasi ang may ari ng telebisyon mula kaninang 730. si remy naman ang pinapanuod namin, si remy-ng daga. mayamaya, patalastas sa beijing. inilipat ni jason. akala ko, sa sharon na. ay maling palabas pa rin. f1 european grand prix pala.
hinde ko alam kung dapat ba akong matuwa na iba ang pinapanuod amin...
.
hinde kami excited
incidentally, i saw these cute halloween outfits for kids! oh wow! tinanong ko si jason, kung pwede ba kaming magtingin ng costume para kay aquim. at baka pwede na rin na maibili na namin sia.
you see, hinde uso dito sa lugar namin ang trick or treak. either with jason's office. it's a good thing that auntie mimi enlisted aquim to join in her company's annual trick or treat activity. it would be his first time! our first time!
so sabi ko ke jason, kailangan na talaga naming magtingin. kasi for sure, magkakaubusan na yan pag malapit nang maghalloween. baka ang matira sa amin, yung pinagpilian na. eh siyempre, gusto ko makapili ng magangdang costume na nababagay kay aquim.
at sa wakas ay nahila ko ang aking mag-ama papunta sa costume rack. nakita namin na meron dung f1 racer suit, a lion, a bug, a carrot, caveman and chef. nang makita namin lahat at ang kanilang tag price, sabi ni jason: wag na lang natin siyang ibili. magpatahi na lang tayo sa lola nya. tayo na lang ang gumawa. or hinde ba pwede yung costume nya nung birthday nya? sabi ko: duh? ano ba yung costume nya nung birthday nya? wala namang kakaiba. baket ano bang idea mo? ano bang gusto mong costume ni aquim?jason: gusto ko yung kuba siya.
ngek!
hinde kami excited.
.
Thursday, August 14, 2008
Agent 007
They say salary is good compared to other regular jobs. Siguro hinde nga lang ganon kalaki compred sa previous salaries ko (naks!). pero okay na din siguro yun kesa wala.
What made me think na mag agent kung makakabalik naman ako on a regular job, just like my previous work? Eh kasi, meron dito sa amin na call center company. Sobrang lapit lang, walking distance. Naisip ko kasi, parang okay kasi I can go to work and be home immediately, sobrang laking bawas sa travel time. Malapit pa ke aquim.
Look, if I’ll be working on a night shift, I’ll be away nang tulog si aquim. Say 9pm till 6am the next day. I’ll be home by 7am, me kasama ng OT yun ha. Gising na nun si aquim, pwede pa kami magplay. Then I can sleep by 8am or 9am, sabay na kami ni aquim nun. Wake up ng lunch, sabay pa din kami maglalunch. Then sleep uli by 2pm.
You get it? The idea is hinde masiyadong mararamdaman ni aquim na nagwowork ako, kasi nakikita at nakakasama nya pa rin ako in his waking hours. Parang work at home mom ang drama, mas malaki nga lang ang income, hinde ba?
Ayos din diba? Ang tanong, kakayanin kaya ng katawan ko ang ganitong lifestyle? Ang isa pang tanong, nasaan si Jason sa picture? Hehehe magkita pa kaya kaming mag asawa pag ganito ang set up?
Oh well, it’s just an idea.
.
It's over... Nampucha!
Hinde ko ito mapapalampas. Nag-usap na kami. More of nagsigawan, nagmurahan. It’s over. Walang explanation ang pwede nyang gawin at sabihin para mapabilib nya pa ako. Kung nagawa nya akong lokohin, kami ni baby, that means hinde na kami importante sa kanya. Hinde nya kailangang mamili. Nakapagdecide na ako. We’re going our separate ways. I’ll be talking to a lawyer about this. Very soon. Kung maghihiwalay kami, dapat maayos. Ang lahat. At isa pa, gusto kong alisin ang apelyido nya sa pangalan ko. Kung pwede nga lang sa pangalan din ni Aquim.
We’ve made a promise, that if ever we feel that we no longer feel that it’s worth it, that we can no longer keep the relationship healthy, that we don’t love each other anymore, we’ll be honest to admit it to the other. However painful it may be, but atleast, in that way, it’s still less painful because the respect would still be there. So this bullshit, really pains me. My husband, my bestfriend, betrayed me?
I have to look for a job. Sa ngayon, pinalayas ko na siya. Umuwi na siya sa tatay nya. Sa bahay nila. At hinde ako mag eexplain sa mga magtatanong. Siya ang bahalang umamin sa kalokohan nya.
***
Hayyy, buti na lang, panaginip lang ang lahat! Sa sobrang sama ng panaginip na ito, hinde na ko nakatulog uli! Grabe, 4am pa lang!
Akala nyo totoo noh?! Heheh GOTCHA! :p
***
On a serious note, sobrang sakit kahit panaginip lang. As in. Kulang na lang ay magising akong umiiyak. Ganon. Ayaw kong mangyari ito. All along, aware akong panaginip lang ang lahat, kaya nga pinili ko na magising na. Pero sobrang sakit kahit alam kong panaginip lang. Ramdam na ramdam ko yung pain. Awwkkk…. Parang masakit talaga sa puso, physically ha. Brokerhearted talaga. I’m just so glad that it was just a dream.
Alam ko, me mag iinterpret ng mga dreams ekek na ito. Sasabihin, me pinanggalingan. Ek ek ek blah blah blah. Fyi, wala, it was just a dream. Di ko din alam kung san galling. Kung panong di ko din alam kung pano ko nanaginip ng mga aswang. At lately, si mark abaya kasama ang mga aliens. Haha
.
Sorry ha..
common friend (to jason): kamukhang kamukha talaga ni jolen si aquim (matter of factly), sorry ha..?
me, overhearing it: ano yun, sorry kay jason kasi hinde nya kmukha si aquim, or sorry kasi kamukha ko si aquim?!
.
Tuesday, August 12, 2008
my little punk
shirt was a birthday gift from tito noli.
Thursday, August 7, 2008
party pics!
official party pictures are now available here. start browsing!
official photos by ging lorenzo, though i added shots by garry/kitts and acel.
suppliers' ratings to follow, promise!
enjoy!
.
Thursday, July 24, 2008
happy birthday, baby!
One year old na siya. Hinde na baby. Toddler na. haha wag muna mag asawa hehehe.basta ang wish ko lang sa kanya, eh good health always (kung pwede nga lang matanggal na ang G6PD nya eh), maging good boy, maging happy baby at wag masiyadong pasaway, maging smart, good looking hehehe. yan na lang muna. sa ngayon.
for the party kuwento, visit aquim's site or click here. for the pictures, coming soon. hehehe
supplier's ratings - coming soon dito sa blog ko. hinde sa blog ni aquim. heheh
Wednesday, July 16, 2008
birthday outfit
as usual, late na naman ako nakaalis. 2pm na yata. Naglunch na kasi ko dito, para tipid tapos pinaliguan na din namin si aquim para hinde na mahassle si lolo nya. Kahapon kasi nun nag divi ako nahassle siya eh. so ngayon, magpeplay na lang talaga sila at magpapadodo. at magpapalit ng diaper. anyway, Pagdating ko ng glorietta, napadaan ako ng tindahan ng bag. nung weekend kasi napakadaming tao dun, so this time, walang tao, i decided to check out the items. altho meron din naman kaming nahiram ng products brochure nila at tinignan ko na yung ibang items dun, siyempre iba pa rin ang sa personal noh. ipinalabas ko dun sa sales rep yung mga items na nagustuhan ko sa brochure, hinde naman pala siya ganon kaganda sa personal. meron akong nakita, sale, at yun ang nagustuhan ko. wow.. parang makakashopping ako ng bag ah. kelangan ko kasi ng bagong bag. kasi wala akong bag na for everyday use. yung bag kong suede, mabigat and ayaw ko na muna gamitin. namimili kasi ng damit. pag mga cotton ang damit ko, nasisira kasi nag hihimulmol sa kakakaskas dun sa suede. eh yung pony hair, ayos sana, kahit na mejo makati sa katawan (nakakasundot kasi yung mga buhok), kaso nakakalbo na siya. so ayaw ko na din muna siya gamitin. pero 1.5 yrs na yun sa akin ha. gip yun sa akin nin jason nun christmas 2006
anyways, eto yung bag na gusto ko. 40% off siya ha. Calf leather din and big enough siya for my things and some of aquim things na nilagagay ko sa bag ko. Plus hinde siya mabigat, bag alone. Tapos malambot siya. So tinext ko si jason, pinicture ko and kinuwento ko. tinignan ko din yun bag na sinasuggest nya sa akin. eh ayaw ko naman non. yung ibang nagustuhan ko nga before, ayaw ko na din. meron dun isa akong pinagpipilian, shopper din siya. kulay pink and canvas siya. regular priced pero mas mura pa rin dito sa 40% off na bag na gusto ko. kung hinde ma okay ke jason tong green one, yun na lang pink one.
pinareserve ko na lang muna yung green. Kasi last season's stock pa yun, sale, and last piece na. yung pink, marami pa raw. Sabi ko balikan ko later, antayin ko lang hubby ko. Nagikot muna ko for my outfit. Meron naman na ko talagang namataan na gusto ko, sa regatta. kaso lang, kelangan ko muna sukatin kasi baka maya sa perpektong manikin lang maganda, sa aking normal na katawan hinde na bagay. sinukat ko. ok naman. malaki nga lang talaga ang braso ko. eh pero wala na akong magagawa dun. nag ikot din muna ko sa iba, baka kasi me makita ako. mango, zara, rustans, debenhams, u2, british india, m&s, gap, lulu castagnette and finally sm. kaso wala e. walang dating. antayin ko na lang ulit si jason kasi kelangan ko ng opinion.
6-630 nagkita na kami, pinuntahan muna namin yung bag, ok naman sa kanya, so yahu. Me bago na akong bag! Yahu… my new favorite bag. Tapos punta kami regatta, okay naman daw sa kanya. Kung carry ko daw, ok na din. Pinalitan lang namin yung kulayl. Kasi ang una kong sinukat yung parang me pagka orange. pinalitan namin ng lavender. kahit na hinde na kami magkamotif hehehe. kasi siya white polo shirt with orange stripes eh. si baby ko siyempre parang si kuya kim. pero buy pa naman siya ng pampalit, baka this weekend. tapos ako lavender. eh pwede na yun. hinde naman kelangan terno terno. basta happy na ko sa bag ko. hehe at hinde loud ang bag ko ha. simple lang siya. walang tatak. hehehe meron lang siyang keychain. pero kung hinde ko yun gamitin, di mo malalaman kung ano yung. not unless maalam ka talaga sa products nila. ayos talaga.
grabe puyatan na naman ako. Kami pala. Nilagay na namin yung ibang loots dun sa backpack. Bukas mamimili naman ako ng candies, chocos and whathaveyous sa grocery. Ilalagay ko na din. Andami naming dala sa Sunday. Tarp. Souvenir. Lootbags (70backpacks, kulang pa nga, kasi late magsi confirm ang mga magulang. hinde ko na sila naisama sa bilang). cake. cupcakes and cookies. stroller. mga things ni aquim. hayy. dami noh. gudlak sa amin.kanina nga habang nagpapalit ako ng diaper ni aquim, kinakausap ko siya. sabi ko baby, sa sunday, sa birthday mo, magsisimba tayo. tapos natin magsimba, kakain tayo ng breakfast. tapos maligo ka na ha. tapos dumodo ka at matulog ka na. para makapag ayos kami ni daddy mo. pagkagising mo. magbihis na tayo at punta na tayo ng funranch. ipinagdiinan ko sa kanya na matulog na siya para maganda ang mood nya sa party at hinde siya maging crabby.
.
Tuesday, July 15, 2008
I survived!
divisoria that is. Hehehe.
I braved divisoria today. The last time that ive been to divi was 4 years ago. That was when we were still planning for our wedding. We searched for lotion container in the divi. And I was with jason, nanay and acel. In my almost 32 years of existence, ive never been to divisoria alone. either im with nanay or with a friend. but today, i summoned all my courage to be there, alone. well, kelangan kasi. wala pa kasing lootbag si aquim. our original plan talaga is to scout for bag and toys at divi. pero parang ayaw na ni jason kasi malayo. he suggested na mag greenhills na lang. eh hinde kami natuloy last sunday to go to gh. so, i decided na, magDV na. una, hinde ko alam kung pano pupunta ng divi. sabi nila mag LRT na lang ako, para mas madali. eh kaya lang, feeling ko, marami nagLRT ngayon kasi diba mahal pamasahe. sabi ko magbus na lang ako, Gliner, kasi yun mejo kabisado ko pa. medyo late na nga ako nakaalis. kasi internet pa ko and medyo nag asikaso pa nag house. nakaalis ako around 10am i think. baon baon ang mga paalala ng aking ina at mga kapitbahay. hehehe wag daw tatanga tanga. bago naman ako umalis eh tinanong ko muna sila kung mukha ba akong aanga anga.
hinde naman daw. So medjo confident na ako. Nagdala ako ng beltbag. Ng shopping bag. 2 celphone, 1 charger, credit card, some cash, ID at lumarga na. maulan pa nun, so talaga parang extra challenge, and nun ko lang napag alaman na wala pala akong shoes na pang harabas. dapat kasi mag flip flops lang ako, eh kaso nga maulan, so ayaw ko naman maapak apakan ako at maputikan ano, so no choice but to wear my comfortable aerosoles. keber na lang. wala akong ibang shoes eh.
so yun nga, alis ako n 10am. Nag bus ako kahit na medyo matagal ang biyahe atleast maayos naman feeling ko. Tapos bumaba ako bago mag mendiola, me pumara kasi, hehe nakisabay lang ako. Tapos sumakay ako ng divisoria na jeep. Inantay ko din muna na me magbayad para malaman ko kung magkano pamasahe (8 lang pala). pagkababa ko ng tutuban mall (me bumaba din, nakisabay lang ako), tumawag ako sa bahay, tinanong ko kung saan yung rainbow mall na pupuntahan ko. sabi ng nanay ko, mejo malayo pa daw bago mag tutuban. so naglakad ako pabalik. nakita ko naman at nagusyoso ako. me mga toys nga, backpack (whick is what im looking for), hair pins, pang pony at kung ano ano pa. hinde ko masiyado gusto ang back pack kaya sabi ko try ko muna sa 168 baka meron. kung wala rin, balikan ko na lang to.
buti na lang kamo, weekday, mejo maaga pa at baka naglilinis ang Mmda kaya mejo maluway talaga ang recto. As in kakaiba sa dating naabutan namin nina nanay. Nakita ko agad kung san ang 168. di ko kasi talaga alam kung san banda yun. Kasi dati, sumusunod lang ako ke nanay. hinde ko alam pasikot sikot sa divi. so pag dating sa 168, mas madami choices at mas maayos. nagikot ikot na lang ako. hanap ng mga bags, stickers, bubbles, ballperns, coloring book. yun lang kasi ang mga plano namin ilagay sa lootbag. me mga nakita akong backpacks, 50, 35 ang turing. last price 25. me 2 akong napagtanungan na last price nila 20. sabi ko yun na lang. kaso mo nun babalikan ko na,hinde ko na makita. hahaha paikot ikot lang ako sa isang lugar. as in, naikot ko ng mga 10 times hinde ko makita. yun pala, nasa kabilang building nayun. hehehe .eh tatanga tanga nga ako eh, hinde ko tinandaan yung pasilyo and stall number nun mga pinagtanungan ko.
matapos kong mabili ang lahat ng sadya ko at me mga karagdagan pa, iniwan ko muna pinamili ko dun sa last na tindahan na pinagbilhan ko. Bumili muna ko ng lunch ko, plano ko na lang kainin sa biyahe. Mga 3pm na nun. Pagbalik ko, nakisuyo na lang ako na magpahatid sa sakayan, sabi ko dun sa me dumadaan na taxi. kasi naman ,bale 4 big bags ang dala ko, yung pink and white stripes na plastic bag? 3 ganon tapos yung shopping bag ko pa. so taxi na lang talaga. kaso ang hirap naman mag taxi dun.either me mga sakay or ayaw akong isakay. yung iced tea ko natatapon na, yung sundae ko, tunaw na. sabi ko na lang dun sa boy na naghatid sa akin, mag jijeep na lang ako, me mga nakita kasi akong SM Cityhall. sabi ko dun na lang ako sasakay ng taxi. or pag walang taxi, mag Gliner na lang ako uli. so nag jeep ako. eh susme. hinde naman pala mismo sa tapat ng SM city hall dumadaan yung jeep, dun pala sa highway. sa tapat nun. kelangan ko pa mag underpass para at maglakad para makapunta sa sm cityhall. duh? hinde ko kakayanin. so hinde ako bumaba. sabi ko maghahanap na lang ako ng magandang babaan kung san me mga dumdaan na taxi. hanggang nakarating sa me adamson. so dun na lang ako bumaba. suwerte naman me dumaan na taxi. ayaw pa nga ako isakay nung sinabi ko na cainta. nagmakaawa lang ako. sabi ko kuya maawa ka na, hinde na ko makakasakay kasi hinde ko kaya dalhin mga pinamili ko. naawa naman, sabi na lang nya plus 50 daw.sabi ko sige. ok na yun, eh yung isang taxi na kumokontrata sa akin kanina, 500 daw papunta cainta! wag na uy. ok na ko sa plus 50.
madami pa nga sana akong gustong bilhin dun. Ang daming pwedeng bilhin hehehe parang ang sarap mamili. Mga headbands, stuffed toy, toys, charts, dvd. Mga shorts. Pang bahay. Bed sheets, kurtina, fruits. Wala. Hinde ko na lahat yun nabili. Kasi hinde ko na talaga kakayaning dalhin. sabi ni jason balikan ko na lang daw. hehhe as if makakabalik ako ulit dun. kung me pera ka na nga, at alam mo na ang mga reregaluhan mo sa pasko, i suggest, mamili ka na sa divi ngayon. mas makakatawad ka pa, maluwag pa. kesa abutan ka ng pasko, masikip na sa dami ng tao, tatagain ka na din ng mga tindera. well sana makabalik nga ako ng divi. hehehe pagdating ko sa house, pinakita ko sa kanila ang mga napamili ko at naglaro kami ni aquim nun bubbles. minus one na yun sa loots. hehehe
.
Friday, July 11, 2008
work again?
as blogged previously, i did some office hopping the other day. and as i visited one of it, i was informed that they might have this job opening that suits me. i was asked if im open in going back to work. i said yes. kasi that is the original plan. i should be working again when aquim turns 1.
pero sa loob ko, after thinking much of it, am i ready to be back in the corporate jungle?
am i ready to give up waking up in aquim's sweet time (not my own sweet time hehe, but still, not that early compared if im working)
taking naps in the morning and in the afternoon?
not braving the rush hour?
not being able to miss a single tv show that i desired to watch?
being able to do grocery any time of the day, thus avoiding long queues
being able to visit every aisle in the grocery without having to think of deadlines and office time
and most of all, being with aquim 24/7
honestly speaking, im really enjoying being a stay at home wife and mom. wan ko. when people ask me, kung hinde daw ba ako naiinip, i tell them, hinde talaga. kahit na routinary lang talaga ang maghapon namin, enjoy naman.
enjoy ako to have my breakfast with aquim.
enjoy ako putting him to sleep.
enjoy ako watching him practice his walking skills.
enjoy ako while watching tv (hehe).
enjoy ako taking my lunch while running after aquim. enjoy ako giving him bath.
enjoy ako doing his laundry.
enjoy ako tidying up our house.
occasionally of course, nakakaburyong din. lalo na pag crabby si aquim. pag i feel fat and ugly. pag we go to the mall and i cant buy stuff that i want. pag nakikita ko yung ibang mga nag ooffice. nakakamiss din.
so why would i work again. kasi mahal na ang gas. mahal ang bigas. mahal ang gatas. we are surviving naman. sa ngayon. pero pano pag malaki na si aquim? mas marami na ang gastos. mag aaral na siya. i dont want naman na mag aral lang siya sa kahit san. pano if magbebaby pa kami? malabo ng makasurvive kami.
sana lang i might be able to work at home. work with a decent salary naman. parang mas masarap na kasi kasama si aquim ngayon, mas mag iinteract na siya diba? magsasalita na siya. tapos hinde ako ang kausap nya.. yaya. so will i work again? i dont know. but ill be updating my CV soon.
.
yaya blues
and again, the yaya issue has to be brought up again. although, it is perfectly alright for me get a helper, mejo alanganin lang kasi masiyado daw akong metikulosa. baka walang makuha. well, i can never be too safe, baby ko kaya ang aalagaan nya, if ever. if ill be working again, i better make sure that ill leave aquim in good hands.
i know that aquim will not entirely be left with the helper, kasi my parents will still be around looking after him. kaya lang, i have this feeling na baka if we have a yaya, maging dependent na sa yaya. baka ngayon, mas tutok sina tatay ke aquim, baka pag me yaya, iwan na lang masiyado si aquim sa yaya.
most of the parents na nakita ko, na me mga yaya, parang mas nagiging secondary na lang sila in taking care of their kid. parang mas madali na ipasa sa yaya ang pag aalaga sa bata. dahil ba me isang tao na ready talaga na alagaan ang baby? wan ko. baka ako lang nakakapansin. but i know we should be really serious in looking for a yaya. kaya lang pano nga? i told jason, if ever we get a yaya, i am determined in having her undergo series of physical exams. hehe. rigid ba masiyado? eh kasi naman ... hayy..
sabi ni jason, we cant afford to have each of our prospective yaya to undergo very tight physical exam. kasi we will shoulder it. so our compromise, atleast, sana, hepa, xray. kahit wala na yun sa mga mata, tenga. meron pa ba dapat psychological exams? hehehe pano kung me an-an, buni?
if money is no object, pati drugs and sexually transmitted diseases sana. hehehe. sabi nga ng nanay ko, ako na lang daw mag alaga ke aquim kung ganyang napaka arteko. eh kasi naman... i wonder pano nakakuha ng yaya ang iba? ano kaya ang hiring process nila?
.
Monday, June 30, 2008
kuwentong cr
ang mga pangyayaring ito ay naganap sa isang publikong lugar. totoo at hindi kathang isip. anumang pagkakatulad sa yo o sa kakilala mo ay di sinasadya. isa lang ito sa mga araw na mapapa-'ewww' ka.
nagtu toothbrush si girl#1, malapit na siyang matapos nang biglang dumating si girl#2. eksaktong nakalapit si girl#2, nagpagpag ng toothbrush si girl#1. natalamsikan si girl#2 sa braso. diring diri si girl#2 na naghugas ng kanyang braso. si girl#1, dedma. hinde sila nagsabunutan. hindi rin nagsumbatan. parang walang nangyari.
ang tanong, natandaan kaya nila ang itsura ng bawat isa? pag nagkita kaya sila ulit (sa cr?), mag iiwasan ba sila?ang mas malaking tanong, sino si girl#1? sino si girl#2?
malay ko! nagkukuwento lang ako! :)
Thursday, June 19, 2008
baby blues
this is what ive been doing this past few weeks. heheh. ipinag oovertime ko 'to! hehe. beta release nga lang muna. kasi grabe, hapit akong mag upload ng mga pics. this is primarily para sa mga friends and relatives. mostly ke jason, kasi sina mommy and jaicel and jonas diba nasa kuwait, and yung ibang relatives nila, hinde pa rin nakikita si aquim.
so feel free to visit. wala lang. makita nyo lang ang pag gwapo ni aquim. hehehe.
http://joaquimalonzo.blogspot.com/
Monday, June 16, 2008
ano gagawin ko?
.
Thursday, June 12, 2008
cynthia and allan
june 05, 2008
nuestra señora de guia
we attended another wedding (of a friend) last week. it was inchang and allan's wedding. and it was an emotional one. we didnt get to see her march the aisle. we were late, as usual. but everyone said that most of them were crying. oh well... it was held in malate church, which according to the priest, is a shrine for mama mary, nuestra senora de guia. reception is at nearby rosas garden hotel.
during the traditional church pictorial, tita cora (inchang's mom) was crying. at the reception, she didnt want to give her speech, afraid that she might lose herself (for the nth time). but upon the prodding of inchang, she managed to give a brief speech in between sobs.
in each guest's table, there was a chosen representative who'd give a simple wish/speech for the couple (that's new for me). and there were 2 who gave tearful speeches. and both were friends of inchang. you get where im driving at? to put this in simple words, as what allan's friend has said: " kung ako rin ang nanay ni cynthia, at ikaw ang mapapangasawa ng anak ko, iiyak din ako, allan!" it was meant to be ajoke, but we all know that its true.
i didnt tell this to cynthia, but i told our friends, hinde ako boto ke allan. i feel that cynthia deserves a better man. but if cynthia feels and thinks that allan is that man for her, then all i can do is support her and wish her the best. goodluck!
i didnt write this or say this to break them apart or to discourage them. and if allan gets to read this, who cares? care bears? if he gets to read this, i hope he proves me wrong. i do wish he proves us all wrong.
nuff said.
.
i'm lovin' right now ...
... my A'kin mandarin orange shampoo and A'kin macadamia & wheat conditioner.
oh how i really love them for making me feel beautiful ...
they are earth friendly because they are organic. pure. chemical-free. 100% from botanical & gmo-free plants. contains no animal ingredients.
Ayos.
They are also safe for babies & children.
courtesy of mi esposo. thank you, daddy. Ü
to know more why i'm lovin' it, please visit http://www.purist.com/
.
Monday, June 2, 2008
Earth to us: what have you done for me lately?
to ease out our carbon footprints & help our earth continue breathing, our family has been doing the following measures:
- unplug appliance when not in used, like the tv, fan, sterilizer
- limit the number of lights on to, as much a possible, only one. max: 2.
- limit the number of tv hours to 8hrs a day.
- use tap water in taking a bath. this also applies to aquim. not unless it's raining all day & night,
then aquim can use hot water
- do batch ironing of clothes, once every 2 weeks
- jason only brings the car twice a week
- walking to & from the grocery store - bring reusable bag when grocering
- bring recyclables to recycling shops
- conserve water. aquim's used bath water is used to water our plants, flush the toilet, clean the floor
- limit the aircon use. that is 7pm to 7am only.
- consume less. buy less. use mass transport. travel only if & when necessary. i'm not shopping that much these past months. not by choice but by circumstances hehe but its now becoming a way of life, kinda.
why we are doing this? we're thinking about aquim & his future.
we've heard all about the current status of our planet, we've seen all about climate change, global warming & its effects; stronger typhoons, melting icecaps, drowning polar bears, dying marine life, etc. but we also know the causes of this & the solution. the message is clear, our Earth is still living, still breathing and there's a lot that we can do for her, for our sake, for our children.
why our family is doing this? because we care. we all should.
.
Friday, May 30, 2008
it's not easy being green
(lyrics by Joe Rapposo)
It's not that easy bein' green;
Having to spend each day the color of the leaves.
When I think it could be nicer being red, or yellow or gold-
or something much more colorful like that.
It's not easy bein' green.
It seems you blend in with so many other ordinary things.
And people tend to pass you over 'cause you're not standing out like flashy sparkles in the water- or stars in the sky.
But green's the color of Spring.
And green can be cool and friendly-like.
And green can be big like an ocean, or important like a mountain, or tall like a tree.
When green is all there is to be
It could make you wonder why, but why wonder why? Wonder,
I am green and it'll do fine, it's beautiful!
And I think it's what I want to be.
for more on the muppets, i got this from here ...
.
Thursday, May 29, 2008
windows vista
since my provider launched this time-based browsing as opposed to per KB browsing, it has given me longer time in surfing, checking mails, blogging, etc.
now that it's cheaper (20pesos an hour), and i can browse all i want, i've decided to use my xda as modem and connect it to our desktop. it would be easier to navigate in a regular desktop than using the xda. by the way, our desktop is running in winXP.
and because i want more mobility, i decided to hooked up the xda to the laptop. that way, i can blog right beside aquim while he is asleep. you see, the desktop is in the living room, so if aquim is sleeping in the bedroom, i have to be inside the room also.
i didn't encounter any problem with the desktop running in XP, but since the laptop is in vista, i am quite not familiar with it. i found some forums explaining how to do it, but i still can't connect.
i've downloaded the Windows Mobile Device Center (WMDC) - the active sync equivalent for vista) and installed it. while i can now sync my xda to the vista, still can't connect to the net.
i can't use the desktop now since its not booting up. i don't know, someone must have put a hex on our devices, they aren't coperating with me.
right now, im using good old xda. thank God.
is there anyone who can help me? do i need a driver? laptop is in windows vista home basic, and i'll be using O2 XDA atom exec as modem..
please..please Ü
.
Tuesday, May 27, 2008
reyna elena
iba kasi ang feeling ng nagsasagala diba. feeling ispeyshal. feeling maganda. nagmamaganda. tanghali pa lang patutulugin ka na. kasi para mamayang gabi, sa oras ng sagalaan, hinde ka antukin at matapos mo yung prusisyon. pagkatapos ng tulog, make up na. at sandamukal na aqua net. titiisin mo lahat yun. para maging ikaw ang may maraming nag iilaw sa oras ng prusisyon. siyempre mas maraming nag iilaw. feeling maganda. mas nakikita ka pa ng mga nanunuod.
medyo matagal tagal na nga din mula ng me nagsasagala na galing dito sa compound namin. paano lahat kami malalaki na at hinde mo na mapapasagala. pero ngayon.. ngayon .. .meron na kaming bagong manika. hehehe. nag abay siya sa kasa ni acel. flowergirl. so sayang naman ang damit nya diba. makakalakihan nya lang yun. kaya pinilit namin ang mga magulang niya na isali na siya sa sagala.
ayaw pa nga nila. kas daw nag uulan. sabi namin, hinde yan uulan. e di pag umulan, pauwiin. kahit makalakad lang siya ng isang kanto. para naman maranasan din niya maging sagala. ayaw nila.
nung malapit ng lumakad yung prusisyon, nakumbinse na din namin sila na isali, si toni. ayun. binihisan. ipinusod ang buhok at nilagyan ng korona. nilagyan ng unteng blush on, eyeshadow, lipistik at pulbos. nanghingi ng bulaklak sa altar ni mama mary, kinuha ang rechargeable lamp at ayun. ipinila sa sagala.
o diba, meron na kaming reyna elena.
.
Monday, May 26, 2008
rommel and donna
as told on my earlier post, a lot has happenned, and this is one of those happy happenings...
pareng rommel (naks) has finally tied the knot. it was held in tagaytay highlands. great view. the theme is luau and the mood of the wedding is very relaxed, thank god. i didn't have to wear a gown and then strain my back while carrying aquim.
from the chapel, you can see the taal volcano, parang pwede mo nang languyin kasi malapit lang. tapos sobrang lamig. it was an afternoon wedding, so foggy na siya talaga and mahangin. muntik na ngang matangay si menggay. hehehe.
sorry na lang kasi wala akong masiyadong magandang shots. mahirap magpicture kung me kasama kang baby. of course, kaming 2 lang ni jason nun, and abay pa si daddy. so siyempre hinde naman ako makakapicture ng me alagang makulit at malikot na baby diba.
by the way, it is the second wedding na na-attend ni baby ko. the first wedding was june and kathy's back in september 2007, when aquim was just one and a half months old.
ps. i have a lot of catching up to do, so ill be posting a lot.. ill try pala .. hihihi
the picture pala is taken from the camera of jason's friend, myla. from left to right: sean asher, daddy sherwin, mommy anna, the newly weds - donna and rommel, baby aquim, daddy jason, mommy jolen, myla and abet
welcome, palos!
yesterday, we attended the baptismal (actually, reception na lang, late pa din) of giancarlo cornejo, son of pareng rommel.
it was held sa max's sa me tomas morato. malaki pala max's dun. madaming function halls. tapos parang meron pa silang pond and open area na pwede maglaro ang mga kids. so naisip ni jason baka pwede dun na lang din magbirthday si aquim. kaso malayo siya, so hinde na lang.
anyways, since late kami, wala akong masiyadong maikukuwento tungkol sa binyagan. muntik pa nga kami magkainisan ni jason kasi late kami.
welcome, giancarlo, to the christian world! be good..
.
morphed
so he decided, dito na nga lang magpakulay sa parlor. kaso hinde nya dinala yung sarilin nyang product. ang ginamit nya yung product talaga ng parlor. 1 day after siyang kulayan, nangangati na ang ulo nya. tapos napansin namin medyo namamaga ang mukha nya. we urged him na bumbalik sa parlor at sabihin, kaso ayaw naman ni tatay.
kaso mo, everyday, his case is getting worse. on the 3rd day, nagpunta na siya and nagpacheck up sila. binigyan siya ng doc ng gamot na kontra allergies. ewan ko kung nakatulong pero eventually nagsubside din naman and bumalik sa dati ang mukha nya.
grabe, nagmukha kaya siyang alien.
lesson learned, wag na kasi magpakulay.
.
realisations and changes
in my almost 6 months of having a non-income generating job, staying here at home, managing house hold chores, taking care of aquim, there are some realisations and changes that came to me:
1. i can do house hold chores. hehe. im not fond of doing it eversince. i was not domesticated. ngayon, i can do the laundry (washing machine, and aquim's clothes and our undies only), i can clean our house in jiff, i can iron clothes (aquim's only), tidy up the bed. tamad talaga ako dati. but now i can do those things na i hated to do before i had aquim. see... aquim does good to me.
2. i can be thrifty. money was no object for me. i believe that it has to be spent. be it for myself or others. kung yung iba nangangati ang kamay dahil magkakapera, ako dati, nangangati ang kamay para gastusin ang pera. before, ill spend and pay before thinking. thesedays, ill think first. and then think again. and then will not buy. har har har. atleast i know im helping out mother earth by consuming less.
3. humbling. it is a humbling experience. having no buying power means i have to be humble to ask for money. i have to be humble to check the tag price. i also have to accept what i can and cant do. i am used of not asking help from my parents. but now, i call them oftentimes just to help me out with aquim, usually during pupuching and bath time.
4. i can take a bath, fix my self in less than an hour. which used to be 2 hours.
5. bad hair day is everyday. need i say more?
6. i can be this selfless. i barely have time for myself. everything i do, i have to think of aquim. mula pagmulat ng mata, hanggang pagpikit at habang natutulog, si aquim lang. so you ask pano ko nagagawa tong blog, eto katabi ko si aquim. nagre wrestling kami kasi ang likot.
7. i can be this patient with aquim. and at the same time that impatient with jason. heheh. kawawa naman oh. wan ko ba. sa kanya yata navevent lahat ng pagod at frustrations.
minsan isip ko, kaya ko pala maging ganito. i know madami pang changes, i have to improve, to be better in almost all facets of being a wife (most specially) and a mother. daming pagbabago.
pag sinasabi kong i resigned, have to take care of my baby. dami nagtatanong baket? minsan tuloy naiisip ko masama ba ang ginawa ko? ang magresign to personally take our son? hinde ba noble ang ginawa ko? i should be working instead ?
naiisip ko din yun, lalo na pag nabubugnot na ko dito sa bahay, pag nag mo mall at ang themesong ko eh ang kanta ng yano (patingin tingin, di naman makabili). pag ang kulit kulit ni aquim. pag ang taba taba ng feeling ko. pero iniisip ko din, i am lucky that i have this chance to be with my son 24/7. to watch him grow. to be with him to witness all his 'firsts'. not everyone can do this. i may feel frustrated and fat, kawawa and and all, but hey someone else might be wishing she's on my shoes right now.
and i have to thank jason for that. he's shouldering all our expenses. and hinde naman siya nagkukulang. he provides us eveything that we need. siyempre yung mga luho ko, will have to take the backseat muna.
.