Sunday, October 19, 2008

paint my world

paumanhin sa aking mga masugid na tagasubaybay, yes, kayong 5 kong masugid na tagasubaybay hehehe. alam nyo na kung sino sino kayo. kasi hinde ako nakakapag update ng aking blog. dinapuan ako ng katamaran kaya ganon. hinde ko rin nababasa ang mga blog nyo, kung meron man kayo. hayy..


ayaw ko nang ikuwento kung ano man ang mga nangyari nung panahong hinde ako nagboblog dahil for sure, nothing much has happened. kung meron man, basahin nyo lang dito sa blog ni aquim hehehe..


to keep myself a little more busy, hinde naman sa hinde ako busy. ano lang 'to, parang some form of 'jolen time'. hehehe at dahil pangarap ko nga nung bata pa ako na maging artist at maging painter (sa pag aakala ko na madali lang magpaint), sinubukan kong tuparin ang isa sa aking mga childhood dreams. and here's a couple of my first masterpieces. nakss...


o diba, gumamela yan. hehehe sarili kong painting yan ha. ginaya ko sa isa sa aking mga picture opp.






at eto, eagle ata yan eh, o hawk. sample exercise kasi yan na ginaya ko sa isang watercolor painting site, john lovett.


nung ipinakita ko jason yung gumamela ko, sabi nya, ano yan papaya? in fairness, nung nakita naman nya kasi is pabaliktad ang tingin nya at kadarating lang nya galing work, so baka pagod kaya hinde nya naintindihan masiyado hahaha..


at ng ipakita ko ang aking eagle, sabi nya, pugo daw yun. odiba hanep sa encouragement. at dahil naghahanap ako ng kakampi, ipinakita ko sa aking anak. baka mas maappreciate pa ni aquim.


mommy: baby, what's this (refering to the gumamela)?

aquim: fawerrr (flower)

mommy: very good. (proud na proud ako. dahil alam na ni aquim kung ano ang flower at dahil narerecognize nya na flower ang painting ko hahaha). buti pa si aquim, nakakaintindi na ng art.

mommy: e eto baby, what's this (eagle)?

aquim: DUCKKKK!

mommy: ngek!

hinde daw marunong magsinungaling ang mga bata. hanep ang aking mga kritiko. hmmm...

di mo alam kung maeencourage ka or madidiscourage.. hehehe


.

2 comments:

Ros said...

Ang galing! Buti ka pa marunong mag-paint. :-)

jolen said...

thanks! trying to paint lang. wala lang. feeling 'artist' lang haha