Sunday, August 24, 2008

si yao ming, si felipe, si remy at si sharon

maliligo sana ako kagabi, nang pagbukas ko ng gripo, walang tubig! pinalipas ko muna, naisip ko, baka mamaya-maya lang magkatubig na. pagkalipas ng 30 minuto, binuksan ko uli ang gripo, wala pa ring tubig! hinde na ako nakatiis, bumaba na ako ang sinabi ko sa me ari ng inuupahan namin na wala ng tubig. kailangan ng paandarin ang motor ng tangke.

habang pabalik ako sa aming bahay, nadinig at nakita ko ang mga pinapanuod ng aming mga kapitbahay. kami ay nakatira sa ika-8 pinto, mga 6 na pinto din yung nadaanan ko (sarado kasi yung ibang bahay). at lahat sila, ang pinapanuod, si annabelle rama, 'day. nanunuod sila lahat ng sharon. naman! siyempre, panauhin kaya niya si kc at si richard. at si annabelle nga. napahinto rin ako at nakinuod sa isang pinto. nakakaaliw nga naman kasi talaga si annabelle. para sa akin ha, papanuorin ko rin ang sharon dahil ke annabelle. hehe.

pagdating ko sa bahay namin, dali-dali kong sinilip ang aming telebisyon, para maabutan sana kung ano pa ang mga birada ni annabelle. ay mali. maling palabas. sabi ko: daddy, ikaw lang ang iba ang pinapanuod. lahat ng nadaanan ko, sharon ang pinapanuod. tayo, beijing olympics. nginitian lang ako. hinde na ako umapela, ako naman kasi ang may ari ng telebisyon mula kaninang 730. si remy naman ang pinapanuod namin, si remy-ng daga. mayamaya, patalastas sa beijing. inilipat ni jason. akala ko, sa sharon na. ay maling palabas pa rin. f1 european grand prix pala.

hinde ko alam kung dapat ba akong matuwa na iba ang pinapanuod amin...


.

No comments: