iba kasi ang feeling ng nagsasagala diba. feeling ispeyshal. feeling maganda. nagmamaganda. tanghali pa lang patutulugin ka na. kasi para mamayang gabi, sa oras ng sagalaan, hinde ka antukin at matapos mo yung prusisyon. pagkatapos ng tulog, make up na. at sandamukal na aqua net. titiisin mo lahat yun. para maging ikaw ang may maraming nag iilaw sa oras ng prusisyon. siyempre mas maraming nag iilaw. feeling maganda. mas nakikita ka pa ng mga nanunuod.
medyo matagal tagal na nga din mula ng me nagsasagala na galing dito sa compound namin. paano lahat kami malalaki na at hinde mo na mapapasagala. pero ngayon.. ngayon .. .meron na kaming bagong manika. hehehe. nag abay siya sa kasa ni acel. flowergirl. so sayang naman ang damit nya diba. makakalakihan nya lang yun. kaya pinilit namin ang mga magulang niya na isali na siya sa sagala.
ayaw pa nga nila. kas daw nag uulan. sabi namin, hinde yan uulan. e di pag umulan, pauwiin. kahit makalakad lang siya ng isang kanto. para naman maranasan din niya maging sagala. ayaw nila.

nung malapit ng lumakad yung prusisyon, nakumbinse na din namin sila na isali, si toni. ayun. binihisan. ipinusod ang buhok at nilagyan ng korona. nilagyan ng unteng blush on, eyeshadow, lipistik at pulbos. nanghingi ng bulaklak sa altar ni mama mary, kinuha ang rechargeable lamp at ayun. ipinila sa sagala.
o diba, meron na kaming reyna elena.
.
No comments:
Post a Comment