Monday, May 26, 2008

morphed

last april, before kami umattend nung wedding ni amie & norman, nagpakulay ng buhok ang tatay ko. dito lang sa parlor na katabi namin. dati na siya nagpakulay dito, okay naman. pero bago non, nagpabili na siya ke acel ng pangkulay. ibili naman siya ni acel, di ko lang sure kun anong brand. kaso mo naman, wala naman magkukulay sa kanya. busy si acel kasi nga ikakasal. ako naman, nag aalaga ke aquim.

so he decided, dito na nga lang magpakulay sa parlor. kaso hinde nya dinala yung sarilin nyang product. ang ginamit nya yung product talaga ng parlor. 1 day after siyang kulayan, nangangati na ang ulo nya. tapos napansin namin medyo namamaga ang mukha nya. we urged him na bumbalik sa parlor at sabihin, kaso ayaw naman ni tatay.

kaso mo, everyday, his case is getting worse. on the 3rd day, nagpunta na siya and nagpacheck up sila. binigyan siya ng doc ng gamot na kontra allergies. ewan ko kung nakatulong pero eventually nagsubside din naman and bumalik sa dati ang mukha nya.

grabe, nagmukha kaya siyang alien.

lesson learned, wag na kasi magpakulay.


.

No comments: