Wednesday, July 16, 2008

birthday outfit

wala pa akong outfit para sa birthday ni aquim. Hinde kasi ako nakabili nung last weekend. So today, lumarga na naman ako. Ang hirap kasing maghanap ng outfit. Kasi mataba nga ako noh, so ang dami kong limitations. Malaki chan, puson, braso, etc. tapos hinde ko pa alam talaga kung ano ang bibilhin ko. definitely hinde dress. kasi naman safari nga theme namin noh, san ka naman nakakita ng nakadress. i want casual and relaxed pero hinde naman mukang yaya. hehehe baka kasi magshirt lang ako eh kahit david and goliath yun, me pirated version na nun noh, magmukha akong yaya ng anak ko.

as usual, late na naman ako nakaalis. 2pm na yata. Naglunch na kasi ko dito, para tipid tapos pinaliguan na din namin si aquim para hinde na mahassle si lolo nya. Kahapon kasi nun nag divi ako nahassle siya eh. so ngayon, magpeplay na lang talaga sila at magpapadodo. at magpapalit ng diaper. anyway, Pagdating ko ng glorietta, napadaan ako ng tindahan ng bag. nung weekend kasi napakadaming tao dun, so this time, walang tao, i decided to check out the items. altho meron din naman kaming nahiram ng products brochure nila at tinignan ko na yung ibang items dun, siyempre iba pa rin ang sa personal noh. ipinalabas ko dun sa sales rep yung mga items na nagustuhan ko sa brochure, hinde naman pala siya ganon kaganda sa personal. meron akong nakita, sale, at yun ang nagustuhan ko. wow.. parang makakashopping ako ng bag ah. kelangan ko kasi ng bagong bag. kasi wala akong bag na for everyday use. yung bag kong suede, mabigat and ayaw ko na muna gamitin. namimili kasi ng damit. pag mga cotton ang damit ko, nasisira kasi nag hihimulmol sa kakakaskas dun sa suede. eh yung pony hair, ayos sana, kahit na mejo makati sa katawan (nakakasundot kasi yung mga buhok), kaso nakakalbo na siya. so ayaw ko na din muna siya gamitin. pero 1.5 yrs na yun sa akin ha. gip yun sa akin nin jason nun christmas 2006


anyways, eto yung bag na gusto ko. 40% off siya ha. Calf leather din and big enough siya for my things and some of aquim things na nilagagay ko sa bag ko. Plus hinde siya mabigat, bag alone. Tapos malambot siya. So tinext ko si jason, pinicture ko and kinuwento ko. tinignan ko din yun bag na sinasuggest nya sa akin. eh ayaw ko naman non. yung ibang nagustuhan ko nga before, ayaw ko na din. meron dun isa akong pinagpipilian, shopper din siya. kulay pink and canvas siya. regular priced pero mas mura pa rin dito sa 40% off na bag na gusto ko. kung hinde ma okay ke jason tong green one, yun na lang pink one.


pinareserve ko na lang muna yung green. Kasi last season's stock pa yun, sale, and last piece na. yung pink, marami pa raw. Sabi ko balikan ko later, antayin ko lang hubby ko. Nagikot muna ko for my outfit. Meron naman na ko talagang namataan na gusto ko, sa regatta. kaso lang, kelangan ko muna sukatin kasi baka maya sa perpektong manikin lang maganda, sa aking normal na katawan hinde na bagay. sinukat ko. ok naman. malaki nga lang talaga ang braso ko. eh pero wala na akong magagawa dun. nag ikot din muna ko sa iba, baka kasi me makita ako. mango, zara, rustans, debenhams, u2, british india, m&s, gap, lulu castagnette and finally sm. kaso wala e. walang dating. antayin ko na lang ulit si jason kasi kelangan ko ng opinion.


6-630 nagkita na kami, pinuntahan muna namin yung bag, ok naman sa kanya, so yahu. Me bago na akong bag! Yahu… my new favorite bag. Tapos punta kami regatta, okay naman daw sa kanya. Kung carry ko daw, ok na din. Pinalitan lang namin yung kulayl. Kasi ang una kong sinukat yung parang me pagka orange. pinalitan namin ng lavender. kahit na hinde na kami magkamotif hehehe. kasi siya white polo shirt with orange stripes eh. si baby ko siyempre parang si kuya kim. pero buy pa naman siya ng pampalit, baka this weekend. tapos ako lavender. eh pwede na yun. hinde naman kelangan terno terno. basta happy na ko sa bag ko. hehe at hinde loud ang bag ko ha. simple lang siya. walang tatak. hehehe meron lang siyang keychain. pero kung hinde ko yun gamitin, di mo malalaman kung ano yung. not unless maalam ka talaga sa products nila. ayos talaga.


grabe puyatan na naman ako. Kami pala. Nilagay na namin yung ibang loots dun sa backpack. Bukas mamimili naman ako ng candies, chocos and whathaveyous sa grocery. Ilalagay ko na din. Andami naming dala sa Sunday. Tarp. Souvenir. Lootbags (70backpacks, kulang pa nga, kasi late magsi confirm ang mga magulang. hinde ko na sila naisama sa bilang). cake. cupcakes and cookies. stroller. mga things ni aquim. hayy. dami noh. gudlak sa amin.kanina nga habang nagpapalit ako ng diaper ni aquim, kinakausap ko siya. sabi ko baby, sa sunday, sa birthday mo, magsisimba tayo. tapos natin magsimba, kakain tayo ng breakfast. tapos maligo ka na ha. tapos dumodo ka at matulog ka na. para makapag ayos kami ni daddy mo. pagkagising mo. magbihis na tayo at punta na tayo ng funranch. ipinagdiinan ko sa kanya na matulog na siya para maganda ang mood nya sa party at hinde siya maging crabby.

.

No comments: