Monday, June 16, 2008

ano gagawin ko?


one month na lang , birthday na ni aquim. wala pa kong nagagawa. hehehe. sabihin nyo napakawalang kwenta kong ina, nasa bahay na nga lang, hinde pa asikasuhin ng maayos ang party preparation ng anak. eh yun na nga eh. nasa bahay nga ako kaya ang hirap mag plan. siyempre, hinde naman ako nanunuod lang ng tv sa bahay noh. nag aalaga ako ng bata kaya ang hirap mag asikaso.

pero ang talagang dilemma ko, hinde ko alam kung ano ang gagawin ko. gusto kong icelebrate ng maayos ang birthday ni aquim pero sana yung minimal lang ang kalat na ma i-incur. alam mo yon? can i get away with balloons? parang sayang lang kasi. itatapon lang, dagdag lang sa kalat ng mundo. magstandee pa ba kami? ano naman gagawin namin dun after the party? eh yung tarp nga ni aquim nun binyag nya, ayun nakatambak sa house namin? alam mo yun? gagastusan mo para maging kalat. yon. yun ang iniisip ko.. pwede bang magmukhang birthday party na hinde na masiyadong makalat? yung tipong necessities lang talaga?

hinde ba naman magmukhang kawawa si aquim kung bare ang party nya? hayy...tsk.. baka balang araw, pag nakita nya birthday pictures nya , sabihin nya, momy ano ba naman klaseng birthday party to.. walang kaayos ayos.. eh kasi ganon nga... kelangan party with conscience.. tsk.. ang mga kalat kasi.. tsk..

di ko talaga alam. actually, sa food, sa venue, sa invites ok na. dun ako nag iisip sa decor, sa lootbag (bag as in bag ba or paper bag na lang?). muka bang kawawa kung paper bag lang? nagtingin nako sa sa papemelroti, recycled paper bag , 15 pesos isa. mas ok na ba yun? kesa yung mga backpack/lunchbag na plastic? na hinde ko alam kung gagamitin pa ng mga batang bisita. im sure marami na silang ganon... hayy...

giveaways pa, hinde ko din alam. anong giveaway ang hinde masasayang.. yung hinde itatambak lang nila as kalat sa house nila. alam mo yun.. yung ang problema ko.

me ininquire na nga akong mga events organizer or party decor provider. sinabi ko na din sa kanila yun theme, pero sabi ko , dilemma ko is gusto ko minimal lang. hinde ko lang masabi na onteng kalat lang. hehe eh kasi baka pag sabihin kong 'kalat', sabihin nila, kalat ba ang tingin mo sa negosyo namin?! hehe hayyy.. ano .. ano ang gagawin ni mommy?

.

No comments: