Monday, September 24, 2007

aquim at 2nd month



eto na siya ngayon... lahat ng dati nyang damit, siyempre, maliliet na!

weight: 6.1 kg.

length: 68 cm.

iyakin baby ko, kabagin kasi. magpapalit nga kami ng milk, yun lactose free. me crying time siya, minsan crying day pa! hehehe .. pero nakakamiss siya. ayaw ko na nga pumasok. nakakalungkot tuwing umaga na aalis ako. basta lang. kasi naman for 37 weeks, nasa chan ko siya. tapos for 2 months, kaming 2 talaga ang magkasama. me iba mang magbantay sa kanya, tuwing kakain lang ako nun or maliligo. tapos tulog pa siya nun. kaya... sobrang attached ako sa kanya. nun ngang 1st day ko umalis sa house ng hinde siya kasama, ako ang naiyak eh, hinde siya!! huwaahhh...

.

Sunday, September 23, 2007

aquim at 1 month


eto si aquim nun 1 month na siya .. :) , actually, 1 month and 10 days hehehe

so far.. hirap mag alaga... pero mawawala naman ang puyat at antok mo pag nakita mo ngumiti baby mo.. kahit na hinde mo alam kung ano ang iningingiti nya...
.

joaquim alonzo



name: joaquim alonzo larcada nuevo

gender: male

birth date: july 20, 2007, Friday, 10:55 pm

birth place: the medical city

weight: 3185 grams

length: 19 inches

delivery: normal


.

birthing kuwento



WARNING: MAHABA TO, SO TIYAGAAN NA LANG :)

July 20, 2007 – 37weeks and 1 day, Regular check up lang dapat althouGH kagabi pa, or nung mga nakaraang araw pa ko nagrerecord ng contractions ko and aware ako na madalas na talaga ang contractions. Kagabi nga eh hinde pa ko nakatulog kasi feeling ko kahit tulog ako at relaxed, naninigas talaga ang chan ko. So when I had my time with the Ob , nag IE kami. And ganon, sabi nya 3 cm nako and 70% effaced na daw. Kumain na daw ako at magpa admit na daw ako. Kumuha ng room at magpunta sa prelabor room. Manganganak na daw ako, baka gabi or madaling araw.

So kinabahan ako. Kinabahan na nalungkot na na excite. Kinabahan kasi syempre manganganak nako!! Im not prepared. I was hoping na magfull term kami. Nalulungkot kasi parang maghihiwalay na kami ni baby, naeexcite kasi naman magkikita na kami finally.. weird ko noh? Hehehe

Anyways, we had our lunch. Parang hinde ko nga nalasahan. Lumilipad and isip ko. Tapos nagpareserve na kmi ng room. By 2pm, nasa prelabor room na ako. Chineck ang baby, heartbeat vs contractions. Ok pa naman. Pinagbihis na ko ng hospital gown. Binigay na lahat ng gamit ke Jason. Nagkiss na din kami ni jaosn. Alam ko, matagal bago kami magkita ulet. Inedema na din ako. So lahat ng kinain ko.. bale wala na din.

By 230, inilipat na ko sa labor, 3cm pa din. Buti n lng me magazine akong binili, dahil alam ko mejo mtatagalan ako. Basa basa lang. me mga kasama ako dun. Nurses and mga naglelabor din. Kikinig din ako sa mga wentuhan ng nurses, midwives and doctors. Kasi diba, andon si claudine , nanganak sha ng jul19 and bday nya ng jul20, so madaming ta-artits sa hospital. me mga cake pa nga ang mga nurses, galing kina claudine. maki chika ba!

Mga 430, 4cm na ko. Bagal daw ng progress, pinaglakad pa ko dun sa labor room. lakad lakad. Yun mga kasabayan ko, nanganank na. ako, andon pa. hinde naman ako in pain pero sunod sunod na contractions. Oo alam ko, kasi all along me nagbabantay sakin, nirerecord ang contrcactions ko and binbantayan heart beat ni baby. So pasyal pasyal. Lakad lakad. After about 30 mins, balik nko sa pwesto ko.. ganon pa din.

Mga 6 pnapaepidural na nila ko. Kahit daw hinde pa ko in pain kahit malakas na contractions ko. Kasi daw pag masakit na contractions ko, mahirap na magepidural. Tapos sabi, i-iinduce na daw ako kasi malaks na contract ions, matagal na labor, hinde pa ko nagpoprogress, baka ma affect na daw ang baby. Ayoko sana , gusto ko sana magnormal progress kami. I was asking the midwife kung ano implications and side effects nun. Itanong ko n lng daw sa doctor. Tinanong ko yun doc, sabi ko ayaw ko pa magpaepidural, sabi nya, masasaktan ka lang kasi ira-rupture na water bag mo, masakit yun, kya magpaepidural ka na. hinde naman nila sinagot un tanong ko kung baket kelangan na ko iiinduce, tinanong ko kung sobrang bgal pa ng progress at kung delikado na ba kmi, Dumating yun mage-epidural , this is another doc, tinanong ko sha ule ng implications, tinarayan ako! Baket daw tnatanong ko pa, diba sinabi n daw ng 1st doc,sabi ko ang sabi lng ng 1st doc is kaya ako ieepidural is dahil masakit dahil irrupture ang water bag. Hinde naman nya sinagot un question ko kung pwede wag ako iiinduce. Sabi ng 2nd doc, wala daw sha sa position to answer the questions. Pero she said it in a not so good manner. Ok fine. So nagepidural ako.

By 9-930dumating ang ob ko at nirupture ang water bag. Kinabitan na din ako ng oxytoxin. By 10-1030, fully dilated nako at mejo nararamdaman ko nay un sakit ng contractions. Sobrang sakit nga. Parang matatae ka na hinde mo malaman.

Punta na kami sa delivery room, naka lampas 10 ire ata ako. Parang hinde ako marunong umire. Parang hinde ko na iaaply yun ire ko pag tumatae. Hirap umire pero hinde naman ako nahirapan huminga or what. parang kaya ko umire ng umire kaya lang, nagwoworry ako baka masama na sa baby yun.

1055, babyout. Narinig ko na iyak ni baby. relieved. ang laki nya. San sya lumbas? Sopicture na kaming 2. then nadidinig ko na mga doc, baket daw ganon, ang hirap ko daw tahiin, sabi bago daw lmbas ang baby, napunit na daw ako. Tapos sa bawat pagtahi nila sa akin, napupunit ulet. Hinde na nila mapigil pagdurugo. Naririnig ko nagbibilang sila kung ilang pack ng gauze na nagamit nila sakin. Sabi buti daw hinde pa bumibigay ang bp ko kasi dami na daw dugo nawawala sakin. Ako naman, all along, cool lang. alam ko na everyting will be alright. Di ako kinakabahan kahit na naririnig ko na nagpapakuha na ng dugo ang doc, magcross match na daw. i tried din n wag kabahan talaga kasi lalo lang ako magdurugo. Sobrang madugo daw ako, hinde ko naman alam kun baket. Hinde na nila ako ni-try tahiin kasi lalo lang nagsusugat, nagpacking na lang sila. That is, pinasakan ako ng mga gauze para matigil ang pagdurugo.

After that, sa recovery room nako. Nanlalambot nako nun. Dun ko na nararamdaman ang pagod. 2 ang swero ko. Hinde na alam kung san padadaanin ang blood transfusion, tanda ko nilipat ata ang isa sa paa…dami tumutusok sakin to check my blood. Uhaw na uhaw na ko. Ambilis daw ng heartbeat ko. And that is a bad sign. Kasi baka bumigay ang puso. From 12midnite to 7am nasa recovery room ako, GISING. kahit na ininjection na ko ng benadryl at groge na ko, hinde ako natulog. Ayaw ko matulog kasi baka hinde ako magising. Nagmamakaawa/nangungulit ako na bigyan ako ice chips. Kasi sobrang uhaw nako. Sabi ko pano magpa-function ng tama ang systema ko , gutom ako, uhaw. Bigyan nyo ko ng ice chips and I will be ok. Nanlalambot na kasi ko tlaga. Tapos groge. Tapos pagod.

By 8am nasa kwarto ko na ko. Nakita ko na si Jason. Hay..parang ginaw na ginaw naman ako, tapos hinde naman ako makatulog. Pagod pero hinde makatulog. Nanghingi lang ako ng tubig ke Jason, dahil sobrang uhaw. Unte unte magrererecover ang katawan ko, alam ko. kasi ba naman, jul19 di nako nanaktulog maige, tapos di rin ako nakatulog magdamag after manganak, tapos ngayon hinde naman ako makatulog. Nun dinalaw ako ng ob ko, sabi nya, kung alam lang daw nya na ganon ako kahirap tahiin, nahirapan kasi sila, CS na lang daw sana ako, mas mdali pa para sa aming lahat. Next time daw, CS na ko.

Kahit nasa kwarto nako, naka catheter pa din ako, sa ihi at sa epidural. Kelangan ko pa ng epidural kasi me packing pa ko. Masakit yun pag tinanggal kaya hinde p inaalis ang catheter sa epidural. Hinde pa din kmi nagkikita ulet ng baby ko. Pinapapicture ko lang sha pag dumadalaw sila sa nuersery tuwing viewing time. Feeling ko kawawa ang baby ko kasi hinde sha dnadalaw ng mommy nya. Me naka tag nga daw sa higaan nya na ‘for breastfeeding’. Hinde kasi ko makapunta ng nursery kasi hinde pa ko pwede tumayo habang me catheter. Hinde ko naman sha mapa room in kasi hinde pa nga rin ako makakilos so prang 2 pa kming aalagaan sa room.

Then nung sunday, unte unte na natatanggal ang mga swero ko. Hanggang wala na kong swero. Sunday afternoon, tinanggal na pakcing ko at tinanggal na din catheter ko, una sa wiwi, then maya yun sa epidural. Sunday nite, pinayagan nako umupo at tumayo. Kaya pina room ko na ang baby. Hay..sa wakes nagkita kami ulet!

Wednesday, July 4, 2007

pregnancy update

hi!


grabe..so much has happened. di na ko nakapag update netong yahoo!360 ko. kasi naman hinde nga pwede mag ganito sa bago kong work. oh well... sige.. balitaan ko kayo, incase you're interested.


right now, 35 weeks na kami! yahoo!!!! 5 weeks or so na lang, manganganak na ko! makikita na namin ang baby namin!! hehe.. excited na ko.. at scared..hihihi... ngapala... nasabi ko na ba na its... IT'S A BOY!!! .. we're having a boy! yup nagpaultrasound kami sometime april and boy nga ang nakita... last week, nagpa3D/4D kami and 1000% sure na nga na BOY ang baby namin. heheh shempre, tuwang tuwa ang daddy. hehehe.. nakapamili na din kami ng basic necessities namin. me mga kulang pa pero konti na lang siguro. paunte unte, kailangan makumpleto ko na. kasi hirap na hirap na din ako maglakad. grabe. hinde ko akalain na ganito pala kabigat ang feeling. kasi yung ibang buntis naman parang wala lang. at yung iba, paulet ulet pang nabuntis na parang kay dali lang.. :) anyways.. yun lang..


ngayon, leave na ko. leave without pay. hinde pa maternity leave. nahihirapan na kasi ako. at chaka pag napapagod ako, nadadalas ang contraction nya. eh baka magpremature labor ako kaya nag rest na ko. baby is more important than work, sabi nga hehehe. kaya dito na lang ako until manganak. atleast, rest kami ni baby. and... basta... me mga bagay na hinde ko pa maikwento. basta lang. hihihi...


so far, ang napamili namin is mga baby clothes na tama lang siguro in a few week na gagamitin ni baby. hinde na kmi bumili ng madami kasi mabilis lumaki ang baby and baka me mga magbigay din (assuming hehehe). cabinet, crib, bottles, sterilizer, yung mga kung anik-anik na little things na kelangan ni baby. wala pa kami breast pump. iniisip ko pa kasi kung bibili kami. pero gusto ko talaga breastfeeding kami. basta. ano pa ba. yung iba, baka after delivery na. hinde naman sha ganon pa ka urgent. :)


so there. sayang sana napicture ko ultrasound ni baby ko para mapost ko dito.. next time. i'm sure madadalas na ulet ang aking pag online dahil andito lang naman ako sa house :)

Wednesday, May 2, 2007

culture shocked!

grabe! first day ko kahapon dito sa bago kong work. di pa naman ako nagwowork talaga, orientation pa lang. we have a 2-day orientation and today is our 2nd day. nakakapanibago. coming from a company na hinde strict at being a pasaway, sobrannnng nakakapanibago dito. syempre strict sila sa oras. sobrang bawal malate. daming rules. if talagang sinusunod yun lahat ng rules, para kong nagbalik sa school! parang me principal! me mga taga bantay.

right now, im bored. kaya kahit mahal mag GPRS, ay siya, mag internet na lang ako. aantok ako e. siya til next update.

nga pala, nag pa ultrasound na kami last week... and....

sa sunod na post na lang ulet! :p

Wednesday, April 18, 2007

ahoy!

hay.. busy ako ngayon eh. heheh hinde tuloy ako makapag post ng kahit ano dito sa yahoo!360. busy ako. busy ako sa pag aayos ng mga gamit at files ko dito sa current employer ko. last week ko na dito this week. malungkot na excited. malungkot kasi siyempre at home na din ako dito. 3 years mahigit kaya ako dito. excited kasi malapit na ko lumipat sa bago kong employer. sa may 2, magstart na ko sa bago. kaya this week, puro pag kokopya ng files ang ginagawa ko.


wala na naman akong masiyadong support na ginagawa, nakapag turnover na ko. kung pinayagan lang akong iterminate ang contract, i should have started with the new one last monday. oh well. atleast ngayon i have a one week vacation. tambay muna sa house, makapagpahinga pa ko bago humataw sa work. i'm sure the atmosphere there is different from here. laid back ako dito eh. flexi time. tapos magaan ang work load ko, sa ngayon. doon, i'm sure, kelangan ko magpasikat hehehe. eh kasi 3 months lang ako magwowork, tapos mag mamaternity leave ako, so siyemepre kelangan ko naman ipakita na worth it ang paghihintay at pag hire nila sa akin sa aking kabuntisan.


anyways, if you're wondering kung san kami last holy week......sa bahay! heheh wala kaming ginawa. as expected, buhay baboy. kain, tulog, nuod. kain ulet. hinde kami nakapag bisita iglesia, as much as i wanted to. hinde kasi nakapaglaba yung tagapaglaba namin ng 2 weeks eh. so no choice kami kung hinde maglaba kung ayaw naming maghubad na lang. hehehe.

Wednesday, April 4, 2007

kuwentuhan lang


obviously, wala akong magawa kaya magpopost na lang ako ng magpopost dito. at gusto ko ng cake. chocolate cake na merong while, pink, green traditional icing. yung malagkit na icing? yung pang birthday? wala lang.. parang angsarap eh… by the way, the picture above is a cake from starbucks, mango madness, Php 125.00.

***


nagkakontakan na kami nung bago kong employer. sa may 2 na ako magstart sa kanila. hinde ko ma work-out yung april 16 eh. ayaw ako payagan ng current employer ko to terminate the contract a week ahead. well, that gives me a week for myself.. and the baby.

***


speaking of our baby, 22 weeks na kami. mag-22, to be exact, bukas. we had our 7th check up last march 31. we’re okay. iba na din vitamins ko ngayon, 2 na. isang calcium supplement at isang iron supplement. at nag gain ako ng 5 pounds in 3 weeks time. sabi nga ni doctora, san naman galing yun?!


so far, there are atleast 12 people telling me na babae ang anak namin, while there are 7 na lalaki daw… hintayin na lang natin next month ang result ng ultrasound!

***


pinag apply ko si jason for singapore. meron kasing nagtanong samin if interested kami, so nagsubmit resume. tinanong nga ako nun nagtanong kung papayagan ko daw si jason, sabi ko, ok lang, if the price is right. pero wala pa namang definite. wala pa din kami ineexpect. basta lang. subok lang.

nung umpisa, parang excited ako, na mag singapore si Jason. eventually, sa isip ko, baka makasunod din kami ni baby dun. at malapit lang ang singapore. madaling umuwi, madaling magpapunta. tapos siyempre mas malaki ang suweldo. kagabi, naisip ko lang na paano if makaalis nga si jason? pano if hinde pa ko nakakapanganak? pano if wala siya sa tabi ko habang nanganganak ako? kung makaalis naman siya after ako manganak, pano kami ni baby? kaya ko bang palakihin si baby mag isa? pano naman si jason sa singapore? mag isa lang siya dun? baka malungkot siya? kawawa naman siya dun. naku.. nag dadalawang isip na ko. parang hinde ko yata kaya na maghiwalay kami ni jason. parang dito na lang kaya kami …



about the pic: shot taken with my new toy

holy week 2007


uy grabe, holy week na naman! how time flies. parang kelan lang sinusulat ko ang holy week entry ko for 2006. grabelicious... ngayon 2007 na!

anyways, same as last year, we don't have plans for the week. mas lalo ngayon. siyempre i'm pregnant so we can't afford to go out of town or yung masiyadong nakakapagod na mga gimik. plano namin sa house lang, nuod dvd, tulog, kain. in short, magbuhay baboy but unlike last year, na meron namang atleast some plans to hit the beach, ngayon wala talaga. wala akong plano. pero malay natin, if magkabiglaan baka me mapuntahan din kami kahit swimming pool hehehe.

pero.... i've asked jason if gusto nya mag-visita iglesia tomorrow. ako, hinde pa ko nakakapag visita iglesia, ever! hinde namin nakagawian yun e. mas ano sa amin yung mag stay sa bahay at kumanta ng pasion ni kristo dun sa kapilya. or sundan ang daang krus pag biyernes. so if ever na matuloy kami bukas, iniisip ko na ngayon ang mga gusto kong puntahan na simbahan. hinde ko nga sure if ilang simbahan ba dapat, some say 7, some 14 daw para isa for each station of the cross. eh hinde ko nga alam kung ano ang ginagawa sa visita iglesia. as in visit lang ba ng church? or magdadasal ng holy rosary? isang decade? isang mystery? di ko alam.. clue less...

meron na kong mga naisip na church, caleruega (kasi hinde pa ko nakapunta dun), san jose (siyempre dun kami ikinasal), guadalupe, manila cathedral, san sebastian, yung simbahan sa new manila na me mahabang aisle (forgot the name), st. peter parish sa me fairview. at ... kumokontra na nga ang aking asawa, kasi magkakalayo ang mga simbahan na gusto kong ivisit. hehehe. as in parang namasyal na kami! lugi sa gas. well..let's see. i'll try to post some updates (if sipagin ako) during the next days (if matuloy kami).

about the pic: that was holy week last year, at the kamay ni jesus in lucban, quezon. for more of this, click here.
.

Wednesday, March 28, 2007

potter wrap around cover


FROM YAHOO!NEWS


NEW YORK - What picture shows a dramatic gold and orange sky and a teenage boy in glasses reaching upward?


It's the cover to the seventh and final Harry Potter book, "Harry Potter and the Deathly Hallows," coming out July 21. As always, the cover was designed by illustrator Mary GrandPre, U.S. publisher Scholastic, Inc., announced Wednesday.


"The structures around Harry show evident destruction and in the shadows behind him, we see outlines of other people," David Saylor, Scholastic's art director, said in a statement.

"For the first time, the cover is a wraparound. On the back cover spidery hands are outstretched toward Harry. Only when the book is opened does one see a powerful image of He-Who-Must-Not-Be-Named, his glowing red eyes peering out from his hood."

J.K. Rowling's fantasy series has sold more than 325 million copies worldwide. "Deathly Hallows" has an announced first printing of 12 million in the United States alone.

The cover for the children's edition released by Bloomsbury Publishing PLC, Rowling's British publisher, shows an adult-looking Harry, Hermione and Ron. The adult edition has a photograph of a locket bearing a serpentine "S" — believed to be the "horcrux" in which Lord Voldemort keeps a fragment of his soul.

about the pic: According to Yahoo!News, this image supplied by Scholastic on Wednesday March 28, 2007, shows the cover of the U.S. edition of the highly anticipated 'Harry Potter and the Deathly Hallows, 'J.K. Rowling?s seventh and final Harry Potter book due in stores just after midnight on July 21, 2007.(AP Photo/Scholastic)

Sunday, March 18, 2007

♀♂

19 weeks na kami, yey! salamat sa diyos. at madami dami na din ang humuhula kung babae ba or lalake ang magiging anak namin. we’re very open naman na ang gusto ko babae, at si jason, siyempre lalake. pero siyempre, kahit ano naman okay sa amin, basta healthy, happy and safe kami. pero… so far ... madami na ang humuhula na babae ang anak namin. wwan ko lang. pero kahit si jason, ang hula nya, babae ang anak namin. ako naman, ang hula ko, lalake! Hihihi.. baliktad kami noh?

excited n nga ako na magpaultrasound kami. hinde naman dahil sa gusto ko na malaman kung girl or boy, pero gusto ko lang na makita na talaga si baby. hehehe. kung pwede nga lang mag usap na kami eh. alam mo yun.. kooochi koochi kooo……. hinde pa kami nagpeprepare ng name. wala pa din akong iniisip about baby things. basta, we’ll take it one step at a time


changes

chan – dati nang malaki ang chan ko pero kakaiba ngayon, kasi parang banat na banat na siya. feeling ko nga, wala ng ibabanat pa eh. pParang ito na ang pinakamalaki kong chan, ever. hinde ko na alam kung ano ang ichura ko dahil alam kong lalaki pa siya!

pusod – dating pabilog at maliet at cute, ngayon, hiklat na siya at medyo bilohaba na na parang nakangiti. pero cute pa rin naman. hehehe. medyo natatakot ako at baka lumuwa siya. hehehe. eh pero kung talagang luluwa, edi lumuwa! bring it on. Hehehe.

sabi ko nga sa sarili ko, lahat ng changes, i will welcome it with open arms, kung para ke baby. tara! kung morning sickness will last all through out my pregnancy, every time of the day, ok lang, kung it will only mean na healthy ang baby naming, sige ba. pero salamat sa diyos, all 19 weeks, 3 times pa lang naman ako nagsuka.

weight gain/figure – losing my "figure" is no big deal din naman with me. ayaw ko lang tumaba ng sobra na magiging cause para mahirapan kaming dalawa ni baby. so far, from 124lbs, 130 na ko ngayon (dated mar10).

clothes – siyempre, masisikip na ang aking mga damit. me iba akong nasusuot pa, yung iba hiram sa kapatid ko. pero ok lang, naipag shoshopping naman ako ni jason! (hehehe advantage ata to). gusto pa nga ng nanay ko ang bilhin ko eh yung mga flowerets at mga bestidahin. wwww.. 'yoko non, not my fashion sense. meron naman damit pang buntis na parang pang normal na tao lang, medyo altered lang to suit a preggy body’s figure. dun na lang ako. at diba, ang mga uso din naman na damit ngayon is parang pangbuntis, like yung mahahaba na me mga shearing sa gilid or tali tali, or parang empire cut. ganon. i’ll try to post pics ng mga preggy get up ko.

boobies – lumalaki sha, namili na nga ako ng bagong brassieres eh, kasi feeling ko hinde ako makahinga na. naks, would you believe, 36b at 36c na ang binili ko? hihihi. paglaki at pag itim ng areola at nipples, sige ok lang din. i just wish and pray na bumalik siya sa dati, yung lang ang pwede kong gawin. actually, kelan kaya me lalabas dun?

stretch marks at varicose veins – kung me mgagawa ako para hinde siya lumabas, i'll really try. Lahat ng safe preventions gagawin ko. naglolotion ako, chaka sana maging elastic talaga ang akin skin.

mobility – masakit lang talaga sa likod/balakang. wan ko, hirap tumayo, umupo, basta parang me osteoporosis. Hehehe. chaka yung pag tulog, lagi lang talaga ko nakaside view. conscious effort yun. hinde talaga ako nahihiga on my back. kahit tulog nako, conscious ako not to do that.

so far naman, blooming naman daw ako sabi ng mga tao. japorms pa din naman. hinde naman ako kasungitan. paminsan lang. pero natural ko na yun eh, ang pagiging blooming! hehehe

deal or no deal?

grabehh..sobra talaga ang tamad ko. actually, dahil wala lang akong magawa dito sa office kaya ako tinatamad. kasi pag me dumadating naman na gawain, ginagawa ko naman eh, at agad agad at talagang tinatapos ko. kung marunong lang akong mag program, magpoprogram ako. tsk. kung pwede lang talagang umabsent eh, kung susuwelduhan lang nila ako kahit absent ako, aabsent na lang talaga ako, dun na lang ako sa bahay. eh kaso pag walang pasok, wala ring suweldo. so magtiyaga talaga akong magkunwari dito at magpakabored.

gusto ko ng bakasyon. gusto kong magliwaliw. wala lang. basta lang. gusto kong tumambay.


deal or no deal?

nakuha ko na yung result ng medical ko sa inaaplyan ko. fit to work naman daw. halos kumpleto na din lahat ng requirements ko, waiting na lang ako para maipasa ko sa kanila at para maka sign ng offer sheet. actual contract signing would be on my first day daw. Kaso mo, nun tumawag ako, sabi:


hr: “eh ma’am, did you inform your ‘boss’ during interview na pregnant ka?”


me: “ah oo. alam na ni m*** na pregnant ako.”


hr: “ah, eh si miss c*** (recruitment head)?”


me: “ah, i was not able to inform her eh.”


hr: “ok, I’ll tell her muna then I’ll get back on you.”


me: “ok, sige”.

that was tuesday. wednesday, thursday, i texted my hr contact, asking kung ano na status, kasi if ever, i have to submit pa my resignation letter dito. eh target employment date ko dun is april 16. kung hingan ako ng 1 month turnover dito, lagpas na yun. kanina, friday, tinawagan ko ulet. Sabi nya:


hr: “eh ma’am, alam na ni miss c***, kelangan lang nya discuss muna with sir m***, kaso hinde pa sila nag uusap kasi busy si sir m***. As soon magkausap sila, feedback-an kita. Muka naman ok na eh.”


me: “ahh.. ok. eh kasi concern ko lang, yung april 16 na date eh. hinde pa siyempre ako nagpafile dito ng resignation.”


hr: “oo nga. eh if ever ba, pwede ka pa rin ng april 16?”


me: “i’ll try. i’ll really try.”



abangan ang susunod na kabanata.

.

Monday, March 12, 2007

sonja

we got to taste na din the famous cupcakes of sonja's. sorry ha, walang pics. tuwi kasi kumakain kami, lagi ko nakakalimutan to take pictures eh. mas nauuna yung desire ko to eat than to capture eh. hehehe. dibale, bibili pa naman kami ulet, this time, picture-an ko muna.

masarap siya, siyempre, than the usual "cupcakes" na natitikman ko kasi nga cake siya talaga, hinde yung tipong more of bread than cake. ang order namin: chocolate surprise, choco cupcake with choco frosting; southern pecan cupcake pie, bits of pecan filling topped with whole pecan nuts; sweet pleasures, chocolate mousse with hazelnut praline crust, bunny huggers carrot cake, carrot cake topped with cream cheese frosting, pb &j, choco cupcake topped with peanut butter and jelly frosting, choco cream pie, luscious belgian chocolate cream in oreo cookie crust and topped with whipped cream and oreo bits. hinde ko matandaan ang mga pangalan ng ibag nilang flavor nila eh. wala pa kasi sila flyers with the lists of cupcakes and its prices. meron lang nakasulat sa black board. basta pagbalik ko tatandaan ko at pipicture-an ko. me babalikan pa kami ni jason eh, yung strawberry cheesecake chaka yung berries and cream. baka yung iba, tikman ko din like yung parang me banana toppings and yung me lemon frosting.

since ang order namin is 6 cupcakes, meron itong box na me individual slot para sa mga cupcakes so hinde magrarambulan ang mga cakes sa loob. not sure if merong pang 4's or pang isahan.

kaya lang nga... medyo expensive siya. masarap siya kaya lang if equate mo sa price, expensive siya. yung order namin, the price range is from 55 ata to 130 pesos. halos katumbas na ng isang whole cake ang price ng 6 cupcakes na binili namin. oh well... ganon talaga... :)

will post pics soon!

Friday, March 9, 2007

ukay


last sunday, nag ukay-ukay ako, as tindera not as a customer . actually, matagal ko ng plano yun. mga may of 2006 pa. dami ko na kasing damit na hinde na nasusuot, nakaliitan. and masikip lang naman ang bahay namin kaya maliet lang ang closet so kelangan talagang magbawas.


so nun sabado, napag-usapan namin ni ate kris na mag-ukay, pinaghanap ko siya ng pwede nyang i-ukay. tapos since yung commercial stall na pag-aari nila na andon lang sa baba ng unit namin is wala pang nagrerent, kami muna ang magoccupy. pinaglalagyan ko na ng price tags yun mga items ko, nilista ko tapos naghanap ako ng mga shopping bags na paglalagyan ng mga magsho-shopping sa amin.


sunday, nilabas namin ang aming mga merchandise: blouse, shirts, tank tops, pants, skirts, shoes, pouches, bags. me mga punda pa. hehehe. yung kapatid ko, na-engganyo, nag hanap din ng mga damit nya na ayaw nya na, inilagay din dun. mura lang naman tinda namin, me tag ten pesos pa nga!


at the end of the end, ang cash on hand ko is 500 pesos . meron pang mga items na nakuha pero hinde pa nabayaran. okay na rin diba, napakinabangan ko yung mga lumang damit, napakinabangan din ng iba. actually, karamihan naman sa damit ko dun na ibibenta, once ko lang nasuot. yung iba nga, hinde ko pa nasuot. wala lang. kaya, panalo na din sila if mabili nila yun.


this weekend, sana makapag ukay kami ulet. sana makabenta ulet. magagamit ko din kasi yung mga pinagbentahan para pambili ng mga bagong damit na kelangan ko ngayon.

about the pic: got that from http://www.dreamstime.com/

Tuesday, March 6, 2007

quickening


is defined as the first time you feel your baby move.


actually, hinde ko alam if si baby na nga ang nararamdaman ko. pero as early as 16 weeks me nararamdaman akong parang me lumalangoy. hinde naman siya yung bituka ko na parang gumagalaw lang kasi alam ko naman ang feeling non. basta parang me lumalangoy na parang me nangangalabit ng puson ko. hehehe. kakatuwa lang. hinde ko naman masiyadong pinapansin dati kasi nga paminsan lang naman chaka hinde ko nga sure if si baby na yun (as if ngayon sure nako hehehe). ngayon medyo mas madalas ko ng maramdaman and 18 weeks na naman kami, kaya i assume that, it really is my baby that i'm feeling.


sinasabi ko nga ke jason eh. sorry ka na lang muna, medyo matagal pa bago mo maramdaman si baby. yan ang mga premyo naming mga mommies, kami muna ang unang makakaalam, makakaramdam. ngayon, i try to record kung kelan siya nagmomove. at kung ilang beses. wala lang. gusto ko lang. hehehe.


about the photo: it's not me. i'm just on my 18th week. got that from www.vast.net/bill/junk/pregnant.jpg

Friday, March 2, 2007

countdown

for harry potter has begun. hehehe. lapit na ipalabas ang order of the phoenix! excited na ko. eto kasi favorite ko, so far, sa 6 books. tapos... tapos...lapit na din irelease ang book 7! yahoo! nagpareserve na nga ako eh, last month.



excited na ko makita ang kina-endingan ng harry potter. kayo ba?



the image is captured from J.K. Rowling official site (http://www.jkrowling.com/)

Tuesday, February 27, 2007

check up #5

hi!

i just had my 5th check up with the o.b. last feb 24. supposed to be, dapat mar10 pa ang balik namin kaya lang napapraning na naman ako kaya, go na naman kami ke doctora. kesehoda magbayad ng 300 per checkup, atleast, we have our peace of mind.

baby is doing great. 16 weeks and 2 days na kami last saturday. okay ang bp ko, kaya lang in 2 weeks time, nag gain ako ng 2 lbs. wan ko ba. feeling ko nga, hinde naman ako malakas kumain. tuwing nagututom lang, which is every 2 hours. hehehe. anyways, doctora measured the fundic height(?) and it is normal daw, 15cm. hinde ko alam kung ano yun. basta normal. baby's heartbeat is 148 bpm. okay diba.

our next visit would be on mar24. pero... pag gusto ko na ulet, balik na kami ulet. sabi ni doctora, sa next visit namin, palitan na nya ang vitamins ko. hmm.. ano kayang tests ang gagawin sa kin? i haven't gone to any test eh. blood test, etc. wala lang. kelan kaya kami magpapa ultrasound? gusto ko lang na makita na si baby :)

Friday, February 16, 2007

happy employees

A Manager's Guide to Growing Happy Employees
by Penelope Trunk
Posted on Wednesday, February 14, 2007, 3:00AM

At a point when I didn't have the money to hire an assistant, I ran an ad for an unpaid intern. I ran it on a lark, thinking I'd be lucky if anyone in the world would want to work for free.
The number of responses I received was incredible, not just in quantity, but also in quality.

Losing the Management Crutches
The intern I chose was smart, talented, and fun -- all the things I want in a coworker. And I was nervous she would leave. So every day, I thought to myself, "Am I doing everything I can to keep her? Am I teaching her enough? Is she getting enough out of this job?"

People aren't managers because they have the title. They're managers because they make the people they lead feel good about themselves and what they're doing. I knew this before, from books, but I really learned it with my unpaid intern.

Most managers have a title and pay their employees. These are management crutches. If you want to be a really good manager, ignore those formalities and make people believe that they're getting something even more important out of the manager/employee deal; that way, you'll help them to grow personally.

Six Ways for Everyone to Win
Each person is at your company for a reason, and believe me, it's not for the gold watch at the end of 40 years of service. They want to get something from your company so that they can grow personally and professionally.

Find out what they want to get, because if you're helping them to get it, they'll want to do the work you need them to do. People like to help each other.

Otherwise, they'll do the work to get paid, but they won't do it well. And managers who have people underperforming are not really managers -- they're figureheads, and people aren't doing work for them.

A real manager gives employees what they need so that the employees deliver what the manager needs. Here are six ways to make that happen.

Manage people first, do your own work second. Your job is to make sure the people on your team perform well. They can't do that if you're not managing them, so most of your day will be spent helping them to develop their skills.

Your own work is something that comes after you've taken care of everyone else. This means you have to get very fast at doing your own work so that you can be available when direct reports need you.

Delegate your best work. A great way to make more time to help people grow is to delegate your own work. But don't delegate your grunt work -- who wants to do that? Delegate your best stuff and the person you give it to will feel really lucky to be getting more work to do. You get more time no matter which kind of work you delegate, so you might as well be popular.

Help people get recognized. You have more access to the world outside your team than the people reporting to you do. Use that access to make sure people know the strengths of your various team members.

If you help people get recognition, they'll be more likely to pick up a mentor. And while a boss is not always the best mentor, they can certainly help locate a mentor, and someone with mentor will stay longer and care more about work.

Make projects relevant to people, not companies. If you're giving a new assignment to a team member, don't focus on what it will do for you, or the company. Focus on how it will help that person to grow in ways she's hoping to grow. Show her the skill's she'll develop on this project and how they'll change her.

If you can't do this, the only way to get her to care about the project is to offer other means for personal growth in exchange for her effort on the project. It's not enough to say how something helps the company -- it has to help the employee as well.

Align yourself with your boss. People are much more likely to follow someone who seems to have support from the rest of the organization. You look like you can do more for your team if you have good relationships with people higher up.

If you don't look well-connected in the organization, people won't work as hard for you because they don't think you'll be able to meet their needs.

Work reasonable hours. If you work all the time, you look like you don't have a grip on your workload and maybe even a little imbalanced. This doesn't inspire confidence.

It's fine for high-profile people who have built up trust. But in general, the hardest worker looks the most scared. Otherwise, why would that person have to work so much harder than everyone else? Why wouldn't they want to go home and be with family and friends?

Getting the Right Answer
The best way to think about management is to treat everyone like an unpaid intern.
Each day, your employees ask themselves, "Am I getting enough out of this job to keep doing it?" And each day, you need to give them a reason to say, "Yes."

Thursday, February 1, 2007

hey, i'm still here and i'm back

Sorry, fans, I wasn’t able to tell you stories these past few weeks. Well I’ve been dormant for a month.

So much has happened, let me start of how things are right now.

Well, last Dec 18, after waiting for my time-of-the-month to come for almost 3 weeks, I decided to visit our o.b. and there it was confirmed that we are pregnant (again!). So with that, and as advised by the o.b., i took a month of leave. Hastily, I just did not report to work. Hehehe. Bad, bad me. But that’s just okay. I'm about to resign anyway. I just stayed home for a month. I never did get out of the house except on December 25, 31 and January 1. And that was just 3 hours each.

I reported back to work last Jan 15. Just did a harried but nonetheless best turnover procedure that my boss can possibly require. By Jan 19, I am officially resigned. Jan 22, I started with my new work. That fast, huh! Current job is just a 3-month thing. No commitments yet if they’ll take me as a regular employee after 3 months. Nevertheless, it's okay. Atleast I have work.
Back with our baby, I’ve had my 1st transV ultrasound on the same day of our 1st check up. Baby is 6 weeks and 4 days and has good cardiac activity, 154 bpm. Expected date of delivery is August 5. Everything is looking good this time, we saw no bleeding. But still I have to be careful.

By Jan 08, I had my 2nd check up (it was initially scheduled on Jan 15). I was given prenatal vits and had transV ultrasound again. Baby is at 9w 4d and the new EDD is Aug 9.

3rd check up on Jan 20 (initially scheduled on feb3). Baby’s heart beat is heard using the Doppler and record shows 152 bpm. 11w 2d. And I gained 3 lbs since the last visit. Last week, I've had bouts of vomiting, just twice. Other than that, I just felt queasy.

Everything is okay, thank God. I never had any bleeding, except from weeks 4 to 5, which I suspect was just implantation bleeding. My next o.b. visit would be on the 17th. But I would like to do it this Feb3. bahala na. I've never felt this pregnant before. And we thank God that He gave us another chance, another baby.

So there.