Tuesday, August 26, 2008

go green!

incidentally.. gusto ko din ng green shirt hehehe .. malapit na kasi ang pasko.


photo credit: hollisterco.com



as if naman me pagkakaiba iba tong mga shirts na 'to, noh.. heee


2 button pique polo shirt



3 button pique polo shirt



5 button pique polo shirt

photo credit: lacoste.com



o diba, ang gandang combination, red and green. paskong pasko ang dating!


.

the diva in me

'wan ko ba, i just so wanted to own one of these. hayy.. last june pa 'to, 'still can't get it out of my mind.


was able to try this pink (pero mukhang red sa paningin ko) enzo angiolini flats in rustans kasi last june. ganda! nagmukhang totyal ang paa ko! hee


photo credit: bloomingdales.com


pero i wouldn't mind din this miu miu

photo credit: raffaello-network.com


or this marc by marc jacobs

photo credit: eluxury.com



sana lang ma afford ko noh. nakaka frustrate lang. anyway, kung wala na talaga, pwede na lang din yun red slim basic havaianas, parang katulad netong sa gap..


photo credit: gap.com



sa ngayon, magtiyaga na lang muna ako sa red toe nails ... heee


.

Monday, August 25, 2008

of lolas and lolo

Sometimes, it's really hard to keep my ground on how we would want to raise our Aquim around his doting Lolas and Lolo (lolo, singular, ‘cause I’m only speaking about Aquim’s grandparents on my side. Aquim has not spent that much time with his grandparents on Jason’s side, so I cannot say about them). I'm not complaining, just...well...I’m just...well.. basta!

Of course, I really appreciate their love and concern for Aquim, but there are times that their way is not the way how we want it to be.

Case in point, they want to give all those stuff that I think, and I believe most moms my age would agree, is not yet fitting for his age. Say chocolates, candies and all those sweets. At first, I was really stern about this, I don’t want to mess up his baby taste buds yet. But most specially, I would want sana to raise a healthy eater. I want Aquim sana to favour good food over the not so good ones (personally I love sweets that’s why I can’t say that sweets are bad food heee). I want him to be able to enjoy all kinds of food din naman. Cakes, ice cream, chocolates. But later na lang sana. Not at this stage. But then, I gave in. I allowed Aquim to taste little by little those sweet stuff. Sabi nga ng mga lola, konte lang naman, para matikman. O siya!

On disciplining Aquim, when he has tantrums, I would say, no one is brave enough to countermand me, good thing. When Aquim and I have the fits, his Lolo and Lolas are there, siding by me. So we still see eye to eye on this. I’m dreading the day when one of them would stood against me. Hay…

With Aquim’s Lolo and Lola, I would say, I really don’t have that much problem. I know Nanay and Tatay and Auntie appreciate and understand how we want Aquim to grow up. I’m having more of this issue with my own Lola.

You see, my Lola is around 70 years old. So explaining things to her is quite an act to do. Of course she can still hear me, she can still understand things clearly, but she’s quite sensitive.

Everytime that Aquim is with her, she would give him bread. Never mind if Aquim has just taken his milk and is already full. Okay lang. Not bad, ‘di ba? But she is manning her store, selling things, holding a lot of things, holding money. And she would hold the bread, and put it on Aquim’s mouth. Yay! All those germs. So really, I’m not wondering why Aquim has this intermittent thing with diarrhea.

I would tell her, ''la busog pa yan. Wag mo na lang muna subuan’. She’d say ‘konte lang naman’. And would continue to do so. Hay.. I don’t have the heart kasi to tell her, ‘'la madumi ang kamay mo, maghugas ka muna’.

Just yesterday, I was feeding Aquim pan cakes. She sat beside us, holding french fries and about to give it to Aquim. I told her, ‘'la bawal yan ke aquim kasi mamantika’. She stood up without saying a word. I know she took it against me. ‘Cause that was not the first time that I turned down the food that she wants to give Aquim. Earlier that day, she wants to feed Aquim ‘ginataang langka with bagoong’. I also told her, ‘'la bawal yan, me bagoong’. She replied: ‘dami naming bawal!’. And walked away.

There are a lot of other things, and sometimes, she just sneaks up on me. heee just this morning, he was able to give Aquim chocolate porridge. Hay..

I don’t know. Sometimes, I’m thinking, what if I just let her do what she wants to. But then again, this concerns Aquim. And I am her mother and I have to stand to what I believe is right and good for him. I’m just reminding myself that giving in once in a while is okay, just to make everybody happy. But at the end of the day, if something’s wrong with Aquim, I’m still the one who’s responsible for him because I’m his mother. I’ll just content my self that lola will somehow forget all those ‘bawal yan’ I told her. Heee


.

Sunday, August 24, 2008

si yao ming, si felipe, si remy at si sharon

maliligo sana ako kagabi, nang pagbukas ko ng gripo, walang tubig! pinalipas ko muna, naisip ko, baka mamaya-maya lang magkatubig na. pagkalipas ng 30 minuto, binuksan ko uli ang gripo, wala pa ring tubig! hinde na ako nakatiis, bumaba na ako ang sinabi ko sa me ari ng inuupahan namin na wala ng tubig. kailangan ng paandarin ang motor ng tangke.

habang pabalik ako sa aming bahay, nadinig at nakita ko ang mga pinapanuod ng aming mga kapitbahay. kami ay nakatira sa ika-8 pinto, mga 6 na pinto din yung nadaanan ko (sarado kasi yung ibang bahay). at lahat sila, ang pinapanuod, si annabelle rama, 'day. nanunuod sila lahat ng sharon. naman! siyempre, panauhin kaya niya si kc at si richard. at si annabelle nga. napahinto rin ako at nakinuod sa isang pinto. nakakaaliw nga naman kasi talaga si annabelle. para sa akin ha, papanuorin ko rin ang sharon dahil ke annabelle. hehe.

pagdating ko sa bahay namin, dali-dali kong sinilip ang aming telebisyon, para maabutan sana kung ano pa ang mga birada ni annabelle. ay mali. maling palabas. sabi ko: daddy, ikaw lang ang iba ang pinapanuod. lahat ng nadaanan ko, sharon ang pinapanuod. tayo, beijing olympics. nginitian lang ako. hinde na ako umapela, ako naman kasi ang may ari ng telebisyon mula kaninang 730. si remy naman ang pinapanuod namin, si remy-ng daga. mayamaya, patalastas sa beijing. inilipat ni jason. akala ko, sa sharon na. ay maling palabas pa rin. f1 european grand prix pala.

hinde ko alam kung dapat ba akong matuwa na iba ang pinapanuod amin...


.

hinde kami excited

malapit na ang halloween! yahu! kahapon, nagpunta kami sa mall. wala lang. to buy some stuff. and para makapaglaro si aquim. and para makapasyal lang kami, this is just one of the ways how we bond as a family.

incidentally, i saw these cute halloween outfits for kids! oh wow! tinanong ko si jason, kung pwede ba kaming magtingin ng costume para kay aquim. at baka pwede na rin na maibili na namin sia.

you see, hinde uso dito sa lugar namin ang trick or treak. either with jason's office. it's a good thing that auntie mimi enlisted aquim to join in her company's annual trick or treat activity. it would be his first time! our first time!

so sabi ko ke jason, kailangan na talaga naming magtingin. kasi for sure, magkakaubusan na yan pag malapit nang maghalloween. baka ang matira sa amin, yung pinagpilian na. eh siyempre, gusto ko makapili ng magangdang costume na nababagay kay aquim.

at sa wakas ay nahila ko ang aking mag-ama papunta sa costume rack. nakita namin na meron dung f1 racer suit, a lion, a bug, a carrot, caveman and chef. nang makita namin lahat at ang kanilang tag price, sabi ni jason: wag na lang natin siyang ibili. magpatahi na lang tayo sa lola nya. tayo na lang ang gumawa. or hinde ba pwede yung costume nya nung birthday nya? sabi ko: duh? ano ba yung costume nya nung birthday nya? wala namang kakaiba. baket ano bang idea mo? ano bang gusto mong costume ni aquim?jason: gusto ko yung kuba siya.

ngek!

hinde kami excited.


.

Thursday, August 14, 2008

Agent 007

Thinking of working as a call center agent, that is.

They say salary is good compared to other regular jobs. Siguro hinde nga lang ganon kalaki compred sa previous salaries ko (naks!). pero okay na din siguro yun kesa wala.

What made me think na mag agent kung makakabalik naman ako on a regular job, just like my previous work? Eh kasi, meron dito sa amin na call center company. Sobrang lapit lang, walking distance. Naisip ko kasi, parang okay kasi I can go to work and be home immediately, sobrang laking bawas sa travel time. Malapit pa ke aquim.

Look, if I’ll be working on a night shift, I’ll be away nang tulog si aquim. Say 9pm till 6am the next day. I’ll be home by 7am, me kasama ng OT yun ha. Gising na nun si aquim, pwede pa kami magplay. Then I can sleep by 8am or 9am, sabay na kami ni aquim nun. Wake up ng lunch, sabay pa din kami maglalunch. Then sleep uli by 2pm.

You get it? The idea is hinde masiyadong mararamdaman ni aquim na nagwowork ako, kasi nakikita at nakakasama nya pa rin ako in his waking hours. Parang work at home mom ang drama, mas malaki nga lang ang income, hinde ba?

Ayos din diba? Ang tanong, kakayanin kaya ng katawan ko ang ganitong lifestyle? Ang isa pang tanong, nasaan si Jason sa picture? Hehehe magkita pa kaya kaming mag asawa pag ganito ang set up?

Oh well, it’s just an idea.

.

It's over... Nampucha!

Pucha! Isang taon na pla nila akong niloloko. Buntis pa lang ako ke aquim, there’s already something going on between them. Hinde ko man lang naramdaman. Officially, nung august 1, isang taon na sila. Pucha talaga! Si Jason at ang babae nya! Kaya pala…

Hinde ko ito mapapalampas. Nag-usap na kami. More of nagsigawan, nagmurahan. It’s over. Walang explanation ang pwede nyang gawin at sabihin para mapabilib nya pa ako. Kung nagawa nya akong lokohin, kami ni baby, that means hinde na kami importante sa kanya. Hinde nya kailangang mamili. Nakapagdecide na ako. We’re going our separate ways. I’ll be talking to a lawyer about this. Very soon. Kung maghihiwalay kami, dapat maayos. Ang lahat. At isa pa, gusto kong alisin ang apelyido nya sa pangalan ko. Kung pwede nga lang sa pangalan din ni Aquim.

We’ve made a promise, that if ever we feel that we no longer feel that it’s worth it, that we can no longer keep the relationship healthy, that we don’t love each other anymore, we’ll be honest to admit it to the other. However painful it may be, but atleast, in that way, it’s still less painful because the respect would still be there. So this bullshit, really pains me. My husband, my bestfriend, betrayed me?

I have to look for a job. Sa ngayon, pinalayas ko na siya. Umuwi na siya sa tatay nya. Sa bahay nila. At hinde ako mag eexplain sa mga magtatanong. Siya ang bahalang umamin sa kalokohan nya.

***

Hayyy, buti na lang, panaginip lang ang lahat! Sa sobrang sama ng panaginip na ito, hinde na ko nakatulog uli! Grabe, 4am pa lang!

Akala nyo totoo noh?! Heheh GOTCHA! :p

***

On a serious note, sobrang sakit kahit panaginip lang. As in. Kulang na lang ay magising akong umiiyak. Ganon. Ayaw kong mangyari ito. All along, aware akong panaginip lang ang lahat, kaya nga pinili ko na magising na. Pero sobrang sakit kahit alam kong panaginip lang. Ramdam na ramdam ko yung pain. Awwkkk…. Parang masakit talaga sa puso, physically ha. Brokerhearted talaga. I’m just so glad that it was just a dream.

Alam ko, me mag iinterpret ng mga dreams ekek na ito. Sasabihin, me pinanggalingan. Ek ek ek blah blah blah. Fyi, wala, it was just a dream. Di ko din alam kung san galling. Kung panong di ko din alam kung pano ko nanaginip ng mga aswang. At lately, si mark abaya kasama ang mga aliens. Haha

.

Sorry ha..

common friend (to jason): kamukhang kamukha talaga ni jolen si aquim (matter of factly), sorry ha..?


me, overhearing it: ano yun, sorry kay jason kasi hinde nya kmukha si aquim, or sorry kasi kamukha ko si aquim?!

.

Tuesday, August 12, 2008

my boys

my little punk



yup, yan po ang aking unico hijo. boy na boy na! nagpagupit na. poging pogi ano? hah.. laglag panty nyo jan.. heheheh for kuwento and more pictures, click here.


shirt was a birthday gift from tito noli.


Thursday, August 7, 2008

party pics!


official party pictures are now available here. start browsing!

official photos by ging lorenzo, though i added shots by garry/kitts and acel.

suppliers' ratings to follow, promise!

enjoy!

.