divisoria that is. Hehehe.
I braved divisoria today. The last time that ive been to divi was 4 years ago. That was when we were still planning for our wedding. We searched for lotion container in the divi. And I was with jason, nanay and acel. In my almost 32 years of existence, ive never been to divisoria alone. either im with nanay or with a friend. but today, i summoned all my courage to be there, alone. well, kelangan kasi. wala pa kasing lootbag si aquim. our original plan talaga is to scout for bag and toys at divi. pero parang ayaw na ni jason kasi malayo. he suggested na mag greenhills na lang. eh hinde kami natuloy last sunday to go to gh. so, i decided na, magDV na. una, hinde ko alam kung pano pupunta ng divi. sabi nila mag LRT na lang ako, para mas madali. eh kaya lang, feeling ko, marami nagLRT ngayon kasi diba mahal pamasahe. sabi ko magbus na lang ako, Gliner, kasi yun mejo kabisado ko pa. medyo late na nga ako nakaalis. kasi internet pa ko and medyo nag asikaso pa nag house. nakaalis ako around 10am i think. baon baon ang mga paalala ng aking ina at mga kapitbahay. hehehe wag daw tatanga tanga. bago naman ako umalis eh tinanong ko muna sila kung mukha ba akong aanga anga.
hinde naman daw. So medjo confident na ako. Nagdala ako ng beltbag. Ng shopping bag. 2 celphone, 1 charger, credit card, some cash, ID at lumarga na. maulan pa nun, so talaga parang extra challenge, and nun ko lang napag alaman na wala pala akong shoes na pang harabas. dapat kasi mag flip flops lang ako, eh kaso nga maulan, so ayaw ko naman maapak apakan ako at maputikan ano, so no choice but to wear my comfortable aerosoles. keber na lang. wala akong ibang shoes eh.
so yun nga, alis ako n 10am. Nag bus ako kahit na medyo matagal ang biyahe atleast maayos naman feeling ko. Tapos bumaba ako bago mag mendiola, me pumara kasi, hehe nakisabay lang ako. Tapos sumakay ako ng divisoria na jeep. Inantay ko din muna na me magbayad para malaman ko kung magkano pamasahe (8 lang pala). pagkababa ko ng tutuban mall (me bumaba din, nakisabay lang ako), tumawag ako sa bahay, tinanong ko kung saan yung rainbow mall na pupuntahan ko. sabi ng nanay ko, mejo malayo pa daw bago mag tutuban. so naglakad ako pabalik. nakita ko naman at nagusyoso ako. me mga toys nga, backpack (whick is what im looking for), hair pins, pang pony at kung ano ano pa. hinde ko masiyado gusto ang back pack kaya sabi ko try ko muna sa 168 baka meron. kung wala rin, balikan ko na lang to.
buti na lang kamo, weekday, mejo maaga pa at baka naglilinis ang Mmda kaya mejo maluway talaga ang recto. As in kakaiba sa dating naabutan namin nina nanay. Nakita ko agad kung san ang 168. di ko kasi talaga alam kung san banda yun. Kasi dati, sumusunod lang ako ke nanay. hinde ko alam pasikot sikot sa divi. so pag dating sa 168, mas madami choices at mas maayos. nagikot ikot na lang ako. hanap ng mga bags, stickers, bubbles, ballperns, coloring book. yun lang kasi ang mga plano namin ilagay sa lootbag. me mga nakita akong backpacks, 50, 35 ang turing. last price 25. me 2 akong napagtanungan na last price nila 20. sabi ko yun na lang. kaso mo nun babalikan ko na,hinde ko na makita. hahaha paikot ikot lang ako sa isang lugar. as in, naikot ko ng mga 10 times hinde ko makita. yun pala, nasa kabilang building nayun. hehehe .eh tatanga tanga nga ako eh, hinde ko tinandaan yung pasilyo and stall number nun mga pinagtanungan ko.
matapos kong mabili ang lahat ng sadya ko at me mga karagdagan pa, iniwan ko muna pinamili ko dun sa last na tindahan na pinagbilhan ko. Bumili muna ko ng lunch ko, plano ko na lang kainin sa biyahe. Mga 3pm na nun. Pagbalik ko, nakisuyo na lang ako na magpahatid sa sakayan, sabi ko dun sa me dumadaan na taxi. kasi naman ,bale 4 big bags ang dala ko, yung pink and white stripes na plastic bag? 3 ganon tapos yung shopping bag ko pa. so taxi na lang talaga. kaso ang hirap naman mag taxi dun.either me mga sakay or ayaw akong isakay. yung iced tea ko natatapon na, yung sundae ko, tunaw na. sabi ko na lang dun sa boy na naghatid sa akin, mag jijeep na lang ako, me mga nakita kasi akong SM Cityhall. sabi ko dun na lang ako sasakay ng taxi. or pag walang taxi, mag Gliner na lang ako uli. so nag jeep ako. eh susme. hinde naman pala mismo sa tapat ng SM city hall dumadaan yung jeep, dun pala sa highway. sa tapat nun. kelangan ko pa mag underpass para at maglakad para makapunta sa sm cityhall. duh? hinde ko kakayanin. so hinde ako bumaba. sabi ko maghahanap na lang ako ng magandang babaan kung san me mga dumdaan na taxi. hanggang nakarating sa me adamson. so dun na lang ako bumaba. suwerte naman me dumaan na taxi. ayaw pa nga ako isakay nung sinabi ko na cainta. nagmakaawa lang ako. sabi ko kuya maawa ka na, hinde na ko makakasakay kasi hinde ko kaya dalhin mga pinamili ko. naawa naman, sabi na lang nya plus 50 daw.sabi ko sige. ok na yun, eh yung isang taxi na kumokontrata sa akin kanina, 500 daw papunta cainta! wag na uy. ok na ko sa plus 50.
madami pa nga sana akong gustong bilhin dun. Ang daming pwedeng bilhin hehehe parang ang sarap mamili. Mga headbands, stuffed toy, toys, charts, dvd. Mga shorts. Pang bahay. Bed sheets, kurtina, fruits. Wala. Hinde ko na lahat yun nabili. Kasi hinde ko na talaga kakayaning dalhin. sabi ni jason balikan ko na lang daw. hehhe as if makakabalik ako ulit dun. kung me pera ka na nga, at alam mo na ang mga reregaluhan mo sa pasko, i suggest, mamili ka na sa divi ngayon. mas makakatawad ka pa, maluwag pa. kesa abutan ka ng pasko, masikip na sa dami ng tao, tatagain ka na din ng mga tindera. well sana makabalik nga ako ng divi. hehehe pagdating ko sa house, pinakita ko sa kanila ang mga napamili ko at naglaro kami ni aquim nun bubbles. minus one na yun sa loots. hehehe
.