Monday, May 26, 2008

acel and rogel


may 16 2008
santuario del sto. cristo
northeast greenhills clubhouse


yepp... my only sister got married this month...

huwaaahhhh...

joke lang. its about time, matanda na din siya. hihihi .. mag 29 na siya this coming 29. mabilisan ang wedding na to. nagsabi sila nung march. namanhikan sila nung march 16. come may 16, tadah... kasal na! ang unang plano pa nga nila is april 27 magpakasal, kasi yun ang anniversary nila as bf-gf. hah. goodluck. as if naman me naprepare na sila before nun. pagkuha pa lang ng mga lisensiya at kung anu-anong certificate eh. at ang budget.

nalulungkot nga ako.. kasi hinde naman ako masiyadong nakatulong sa kasal nya.. financially, of course. kasi i have no money. eh medyo budgeted ang kasal nila eh. wala akong naitulong. moral support lang. or mga unsolicited advises lang. or kaya sinasamahan namin sila one time. yun lang. transport help lang. hehe. wala eh.. hinde ako nag gegenerate ng income kaya hinde ako makapag bigay. nahihiya naman ako ke jason na 'pwede bang kumuha ng pepay sa ipon?' hehe.
relaxed din ang wedding. na enjoy ko. hinde kasi ganon ka stiff. ang bisita nya, isang bus galing probinsiya. si rogel kasi is taga nueva ecija. so lumuwas sila dito para maka attend. dami nila, isang box galing japan.. ay mali pala.. isang bus, galing gapan! hehe jowk. diko alam kung taga gapan nga sila.

nakatawa kasi naiyak pa din nanay ko. actually sabi nya nahawa lang siya sa nanay ni rogel kasi nagbabaha nga ng luha galing sa nanay ni rogel. other than that. lahat naman masayang masaya.
so... i hope hinde sila magsisi sa ginawa nila.. hihih ..

.

No comments: