Thursday, August 5, 2010

namimiss mo ba ang philippines?

moi: namimiss mo ba ang philippines?

dad: ahhmmmm... hinde naman. lalo na ang weather. siguro yung mga tv shows pa. ikaw ba?

moi: ahhh... namimiss ko ang 9am sa philippines. namimiss ko ang 12pm. namimiss ko ang 3pm. namimiss ko ang 6pm. ang 7pm. namimiss ko ang 10pm at 11pm. yeah, na mimiss ko ang philippines.

yes. going on 3 months here and i'm still homesicked. everyday, everyhour, naiisip ko siguro ang philippines. kung 10am dito, naiisip ko ang feeling ko pag 10am sa philippines. or naiisip ko kung ano ang ginagawa nila ngayon 11pm sa philippines. pag sunset na dito around 9pm, naiisip ko ang 6pm atin or pag sunset na sa atin. namimiss ko ang tumambay sa terrace. namimiss ko ang hangin na medyo malansa at maalinsangan.

minsan nga namimiss ko rin ang traffic! hehehe.

kung ipapalista sa akin ang namimiss ko, everyday may maisusulat na ako dito sa blog ko. hayyy...
.
.

No comments: