Friday, March 19, 2010

to be in love

Kakahatid lang ng pinsan kong lalaki sa girlfriend nya sa house nila. As usual, sila pa rin ang magkatext habang papauwi na yung pinsan ko. So ang pinsan ko kiti-kitext habang nasa jeep. Nung malapit na siyang bumaba at papara na siya, eto ang sigaw nya:

'MA, I LOVE YOU!

Wahahahahah! Tawanan daw yung mga pasahero pati yung driver! Wahahaha! Funny talaga.... Obviously, yung ang itinetext nya sa girlfriend nya, nagkahalo lang at nasabi nya sa driver. Wihihihihihi!

I have my own share of bloopers while riding public transport. Nung kasagsagan ng Tabing Ilog na youth teleserye sa Channel 2 nun, nagpara din ako sa FX driver ng, "MAMA SA TABING ILOG LANG PO.", imbes na "mama sa BAGONG ILOG po.". Or one time, imbes na ang sabihin ko PARA!, ang nasasabi ko, MAMA, BABAY! Hehehe o diba feeling close.
.
.

No comments: