VENUE
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(-) Sabi nila, 250 ang capacity nung venue. Pero parang hinde naman kasiya. Napuno namin ang venue, pero when i counted the guests after the party, hinde naman kami umabot sa maximum capacity, adults and kids combined. Parang masikip siya for 250, to think na hinde naman ganon kadami ang mga decor namin at mga food carts.
(-) Sinabi ko din sa kanila during the signing of contract na 50 kids ang guests ko, i was expecting na ang iseset-up nilang kids tables and chairs is for the agreed number of kids, pero nung pagdating ko dun, for 20 kids lang ang naka setup. When i called their attention about that, sabi nila, itabi na lang sa parents yung ibang kids. At baket sila ang nagdecide para sa akin? Hinde naman nila yun sinabi before. So nakakalito lang kung ano ba talaga capacity nun place. Nasikipan lang ako.
(+) Yung aircon nila, okay lang. Mainit lang talaga before the party started. Kasi 1 hour tlaga before the event pa bubuksa yung aircon. Pero during the party, hinde naman malamig, pero hinde rin naman kainit. Wala naman guests na nagfeedback sa akin kung nainitan sila. Yung play area nila is okay din. Pero hinde naman masiyado nagamit ng mga bata, kasi busy sila sa panunod sa buong party programme.
(+) sound sytem okay lang din. atleast this is one area na hinde ko na kailangan problemahin kasi kasama na talaga sa package nila.
(+) may CCTV security camera
(-) Hinde sila consistent sa pagnename ng celebrant nila kahit na meron namang finill up-an na information sheet. Dun sa blackboard sa labas, kung saan nakalista lahat ang me party sa araw na yun, ang nakalagay sa slot namin, 'Joaquin Alonzo' (mali, kasi JOAQUIM dapat). Dun naman sa mga directional boards ang nakalagay, 'Joaquim'. Dun naman sa banner sa me buffet table, 'Alonzo' ang inilagay nila. Pinalitan lang as per my direction, kaya naging 'Aquim', bago magsimula ang party.
(-) Inatat kaming magpack up, to think na hinde pa naman pala 5PM. Sabi pa nila pwede kami mag extend until 530. Hinde na tuloy nakapagpalitrato yung ibang guests.
(+) Accommodating naman ang staff and and magagalang. From time na nag iinquire pa lang hanggang party itself.
(+) okay ang location, feeling ko nasa gitna lang siya. accessible for the people from north (qc area), south (manila and makati), east (cainta).
(-) madaming babayaran kasi bawat item na ipapasok mo, me corkage fee na P1k.
(+) Pero masipag silang mag follow up and magremind. like, nakapencil book lang kami, follow up sila kung itutuloy na ba. Then follow up din sila para sa menu.
(-) Hinde lang din namin nalinaw kung ilang staff ba ang nakaassign per event. Parang nakulangan kasi ako sa waiters. I have to call their attention pa to serve drinks kasi me ibang guests, wala pang drinks. Yung ibang kids, wala ng name tags. Wala kasing nakatao dun sa unahan. Ewan ko lang kung dapat meron bang tao dun talaga from them. Pero kasi yung last party na nakita ko dun, meron nakatao sa unahan para magbigay ng party hats at name tags. So bakit sa amin walang naka assign dun? Hinde ko na rin naman natanong sa naghandle ng account namin. Parang lahat ng staff, andun nakasiksik sa buffet. Wala din naman nag assist sa akin nun bago magparty. parang walang nag offer to fix the cake, or kung ano pa ang pwede nila maitulong. dahil ba inoutsource ko yung mga items na yun? Buti pa si apple, tumulong mag ayos ng cake, ng cupcakes, prizes and souvenirs.
FLOATING BALLOONS
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) hinde naman namin priority ang décor. Feeling ko nga kasi kalat lang and sayang lang. pagdating namin dun, meron ng floating balloons. Siguro yun yung décor nun party before us. Hinde naman na kasi matatanggal kaya ayun, napakinabangan na rin namin. so mabuti na rin at merong naunang nagparty sa amin kasi naiwan yung decor nila.
(-) too bad kasi yung sarili naming decor, hinde rin namin nakuha nung natapos na kami. wala namang nagtanong sa akin kung gusto ko bang iuwi yung mga balloons na kami ang naglagay. sayang din yun noh!
FOOD
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) Okay ang food, masarap naman. Kahit na hinde naman namin personally natikman ni jason lahat, based on our guests feedback, masarap naman daw talaga. And nabusog naman sila. Pinakamaraming natanggap na good feedback is yung party spaghetti!
(-) matagal nga lang pag nagpa additional order ka kasi niluluto pa talaga. eh ang minimum order nila per item is for 30 pax. so kailangan tantiyahin or mag ala carte na lang, which is mas mas mahal.
PARTY HOST (JESTER)
Upper Barn of the Big red barn
www.funranch.com.ph
Big Red Barn at Fun Ranch
Frontera Verde, Ortigas Avenue, Pasig City
(+) overall hosting ni jester is okay. Effective and hinde boring. Nag enjoy naman ang mga guests and me mga nag feedback na okay siya talaga. Kakaiba yung mga games nya, hinde yung typical na games, me trivia/texting game, yung fruit salad, yung sa mga mommies. kakaiba din yung bring me. not the usual bring me. kung baga, mejo guessing game na din. me costume change pa pala siya. hehehe
(-) Me mga magic and effects lang siya na pumalpak, it happens talga siguro, ganon talaga. Pero click naman yung ibang magic nya talaga. Wala naman kakaiba sa mga magic na pinakita nya. Yung mga palpak, dinaan na lang sa patawa. Hehe
(+) click at kakaiba ang ventriloquism/puppet show nya. click na click. Kakaiba kasi. Ako din na amused and na amazed. Akala ko me dala lang siang hand puppet na tipong kermit or what. Pero mask lang pala dala nya and me audience participation pa! heheh click din sa bata yun kasi nakakatawa yung face nun 'puppet' nya pero yung message nun show nila, hinde ko alam kung malinaw sa mga bata yun.
(+) sumasagot din sa email nung naginquire ako about his planned programme and kung anong mga prizes and dapat kong iprepare.
(-) hinde ako masiyadong solve sa balloon twisting kasi konte lang naman ang natwist niya. I asked pa naman the red barn staff kung ilan ang balloons na ittwist. Gusto ko sana kasi lahat ng kids magkaron or malaman ko ba kung ilang kids ang mabibigyan. ang sabi ng redbarn staff depende daw sa kids, kung ilang daw ang kids. hmpf. eh parang 5 kids lang ang nabigyan ata, and hinde naman ganon ka spectacular yung mga natwist.
ICE CREAM AND CHOCOLATE FOUNTAIN
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) Big hit talaga ang ice cream and choco fountain sa mga guests. Ang ice cream namin is 150 servings, pero naubos talaga. Ang choco fountain, 100 servings pero madami din ang nakakain. Ang ibang guests as in pabalik balik talaga. hehehe. me nakita pa ko, yung ice cream, dinawdaw sa choco fountain hehehe. ang flavors namin is ube, rocky road and cheeze. hehe. hinde ganon katingkad yung kulay pero malasa ang ice cream. maganda rin ang texture, hinde maaligasgas at hinde yung tipong natutunaw agad pagsayad sa labi. lahat ng guests namin nakatikim nito and lahat nasarapan. pwera lang si jason, hehe hinde nya natikman eh!
our flavors pala were rocky road, cheese and ube. The chocolate fountain has a lot of dippers to choose from: mallows, wafer sticks, wafer, banana, pineapple, pretzels among others.
FLOATING AND DROP BALLOONS
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) okay lang. wala naman kasin kakaiba sa décor namin. And sa akin pasado na talaga yun. Maaga silang nag set up and observant si apple. Feedback nya agad sa akin kung ano set up sa red barn, kung gusto ko ba daw yun. Kasi naman ang nilagay ng taga red barn na name ni aquim eh 'alonzo'. hinde naman nila ko tinanong kung ano ang ilalagay, basta na lang sila nagdecide. buti na lang nun nakita ni apple yun, inform nya ko agad at pinabago na din nya agad. tinulungan nya din ako sa pag aayos ng cake, cupcakes and cookies. pati sa prizes and souvenir. hay. siya ang gumawa ng pag a-assist sa akin, hinde ang taga red barn. hinde ko nga alam kung nakakain sila eh. hay. pero sabi ng staff kumain daw sila. hinde ko lang alam kung kumain si apple. kasi nawala siya nung party eh. tapos lumitaw na lang uli. hehehe. pero okay lang naman sa akin nun umalis siya. akala ko nga hinde siya magstay kasi hinde naman ganon kalaki ang binook namin sa knya. i mean kunte lang diba, hinde naman full party setup.
(+) okay lang din ang drop balloons. As ive said, decor is not our priority. Gusto lang talaga namin na magkadecor para hinde magmukang kawawa ang party. Pero sana pala balloon stick na lang para naiuwi ng mga bata. Eh naiwan lang din kasi namin dun sa party. Sayang talaga. tinanong nya kung ano ang preferred color ko sa balloons, wala naman akong gusto. basta makulay lang. siya na lang nagdecide kasi medyo natagalan akong sumagot.
(-) tapos ask nya din name ni aquim, hinde ko naman alam kung san ilalagay, baka kako me kakaugnayan sa decor na gagawin nya. wala naman. akala ko kasi perzonalized un ice cream cart, hinde na din pala. hehehe. misan lang din tagal nya sagot. bc kasi siguro sa work. pero hinde naman siya nadelay sa deliverables.
PINATA AND PABITIN
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(+) pinata is okay, lion head as what we have agreed on. Hinde ko lang alam kung ano yung mga candies sa loob. Hinde ko naman na naispect.
(+) Pabitin is okay lang din. Typical prizes lang din yun mga nasa pabitin. Parang nakulangan lang ako for 500 pesos. Oh well.
(-) ngapala, yung price nun pabitin and pinata nya sa website is hinde na updated. yun pa naman ang naibudget ko. pero when i asked nun quotation, iba na yun binigay nya. i asked kung pwede pa yung dati, eh dami na daw nagtaas. yun lang. sayang, hinde ko nahabol yun old price.
FACE PAINTER
Yan-Ple Party Needs
http://www.yanple.com/
(-) limited lang yung mga choices na maipaint. Mabagal daw sabi ng ibang guests. Hinde lahat ng gusto magpa face paint eh nakapagpa face paint. Hinde ko alam kung marami bang guests o mabagal nga lang. hinde naman din kasi malalaki yung pinepaint nya, so baka mabagal nga. i was expecting na makakpag paint siya ng entire face talaga or kahit half. pero mga character lang ang napepaint nya, yung tipong pang pisngi lang.
(+) pero maayos naman yung mga napaint ni kuya, i mean, kamukha naman nung mga characters talaga, in fairness.
MINI NOTEBOOK SOUVENIR
Printed Matter
www.printedmartter.com.ph
(+) Ayos talaga kausap sina kerwin and phoebe. Binigayn nila kami ng discount , eh kasi naman madami din order namin noh.
(+) they delivered, on time , as per our desired outcome. kerwin even made sure kung okay lang ba sa kin na putol yung text nun isang cover. sabi ko oo, go na yun kasi i have no time na to edit the layout.
yung layout, dyi kasi nga gusto ko lang baket bah. pero printedmatter can also do the layout at no additional cost dahil kasama na yun dun sa mock up, for your approval. at dahil maraming marami ngang picture si aquim, 3 uri din ang ginawa kong notebook. Oy naubos din ito ha. Walang natira sa amin! Yung mock up lang natira sa amin. Hah!
PHOTOGRAPHY SERVICES
Ging Lorenzo
www.photosbyging.blogspot.com
service lang muna kinuha namin ke ging. Baka kasi wala pa kaming budget para sa buong album package.
(+) Akala namin, 1 photog lang, na si ging lang ang kukuha, kasi as per contract, yun lang naman talaga. pero 2 pala sila. So good deal na din kami sa 5K.
(+) Service wise, mabait naman sina ging. Matiyaga din. maaga sa event. nakakahiya nga lang kasi latekami. at nasa amin pa lahat ng details na kukuhanan nya.
(+) maganda naman ang output nya. that eto ang ebidensiya.
(-) ako sana, gusto ko pa magpictorial. gusto ko pa libutin ang fun ranch. kaso pagod na si jason. at si aquim. hinde rin na nakapagsuggest si ging ng mga kakaibang location. hinde ko alma kung wala na ba tlagang magandang location. dun lang kami tlaga sa big red barn. hinde na siya nagsuggest ng ibang photo opp. like sa zoo or dun sa lagoon.
CAKE, CUPCAKES, COOKIE LOLLIES
Cake Avenue
(+) Mabilis sumagot sa email
(+) Priced just right
(+) madaling hanapin yung place nila.
(-) maliet yung pangalan ni aquim sa cake and forgot to ask me what my preference is
(+) mabait and courteous yung staff and owner
(+) maganda yung cake, masarap and tama lang ang tamis.
(-) madaling madurog yun cookies
LOOTBAGS
168 Mall at Divisoria
(+) cheap
(+) Attractive
(-) Nakakapagod nga lang.
pero sold out yung lootbags namin, 70 pcs yun, around 60 ang kids, pero naubos. Kahit yung paper lootbags, me nakakuha din. Hinde nga lang theme yung lootbag namin, eh pero pwede na. pinag agawan pa rin naman ng mga bata.. At nanay. hehehe
LOOTBAG CONTENTS (NON-EDIBLE)
168 Mall at Divisoria
(+) yung stickers, coloring book, ballpen, bubbles sa 168 mall ko binili. Okay naman ako sa bubbles and ballpen. Kasi maayos naman chaka mura. Pero yung stickers, sana natawaran ko pa.
(-) tapos yung coloring book, disappointed ako. Kasi naman, hinde ako nakatawad tapos hinde pa ko pinakitaaan ng sample, so nun binukasan ko dito sa house, ampangit pala. hmpf. me mas maganda pa sana akong mabibili dun. hmpf.
LOOTBAG CONTENTS (EDIBLE)
Robinson's Big R (Cainta)
(+)
yung mga foodies, dito sa robinsons big r ko binili. okay naman. hinde naman marami, sana hinde sila nabitin. toblerone minis, crunch minis, strawberry puffs, fruits slices, gummy bear, chewing gum, star fruits candy, choco mallows, pretzels, milo choco.
PRIZES
SM Toy Kingdom
(+) cheap lang din. Hehe sana lang naenjoy ng mga bata. Madaming sale dun eh, yung mga sale ang binili namin. Hehehe hinde ko lang alam kung yung choices namin, yun pa din ang gusto ng mga bata ngayon.
INVITATION PRINTING
Kodak Glorietta (near landmark)
(+) Sa kodak glorietta kami nagpaprint ng maramihan. 6.50 ang regular printing, if 50 pcs, 5.50 lang.
(-) kahit na inadust ko na yung layout, me nacrop pa din. so sa sunod, alam ko na talaga gagawin ko.
ENVELOPES AND PAPER FOR THE MAP
National Bookstore Glorietta
(-) hehehe medyo nahirapan lang pala ko sa sobre. parang walang eksakto lang dun sa size ng invite, kaya malaki na lang yung sobre, tapos limited langdin yung kulay ng sobre. yun lang. yun map ako din gumawa and kami na lang din ang nagprint. black and white na lang para tipid. hehehe
INVITATION, MAP and TARP LAYOUT
DIY, Mommy :)
siyempre ako ang nagcareer. searched the net for sample invites and wordings and clip arts na appropriate sa theme namin. then just do it using powerpoint. at dahil sinipag ako, 3 types ng invites ginawa ko hehehe.
siyempre, layout nito ay ako din! Hehehe in fairness, marami naman nagsasabi na maganda ang gawa ko ha. Invites and tarp, kaya proud ako. Hehehe. Kahit yung printer nagtanong kung san pinagawa yun layout heheh so super proud talaga ko jan. for the tarp priter, ipinakisuyo ko lang yun kaya hinde ko alam kung san ipinagawa. pero okay naman yun printer, pwede ngang on that day makuha agad eh. 25 pesos per square foot. yung samin is 7 x 8 so around 1400 siya.
BACK UP PHOTOG
Ansbert Bidol
(+) hehee ..as always, maasahan si abet na magpicture.
(-) Goodluck na nga lang kung kelan makukuha hehehe .. Yun picture ni aquim nun binyag wala pa sakin eh. Hehe kaya hinde ko alam kung maganda ba ang kuha! Hehahahah
VIDEOGRAPHER
Toneng
hehehe ayos na din, basta me record ang birthday ng aking anak. matiyaga si toneng at chaka buti nga pumayag siya na siya ang humawak ng video cam noh! (Thanks!)
medyo madilim nga lang kasi naman wala naman kasi ilaw diba. Medyo nakakahilo nga lang hehehe kasi naman hinde napapatay ni toneng yung video so me mga moment tlaga na puro paa nakikita namin. hehehe anyways, kasama yun sa package hehehe
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ayan natapos ko din. hay. there.
.