Thursday, December 14, 2006

kwentong fx

kahapon, natuwa naman ako at madali akong nakasakay ng fx. as in hinde na ako naglakad, pagtawid ko, meron agad dumaan. so pinara ko siya. dun na ako napaupo sa gitna, dun ako sa likod ng driver.

so after mga 15 minutes, and mejo napuno na ang fx, i asked the mamang driver: "manong, wala na bang ilalakas ang aircon nyo?". feeling ko kasi, naiinitan kaming lahat ng pasaheros and wala lang gustong magtanong. yung katabi ko panay ang punas ng panyo sa mukha at leeg nya eh. alam mo ba ang sagot ng driver: "wala, kung gusto mo lumipat ka ng fx!".

aba pambihira noh... grabe. sobrang nashock siguro ako. hinde ako nakasagot. nagpupuyos ako sa galit pero hinde ako nakasagot. hinde ko kasi alam ang isasagot ko eh. ayaw ko makipag away sa driver eh. hmpf. inisip ko na lang, makakarma ka din loko ka. hmpf.

No comments: