Tuesday, November 17, 2009

bohol - day 3

nov 10. we woke up a bit earlier nonetheless super excited this day. we are going to see dolphins today, that's why.

just as the sun is rising, we were already at the shore waiting for our bankero. we had asked the resort to packed our breakfast so that we can eat them at the island.

kinakabahan kaya ako habang nagbabyahe. silently i was praying na sana, okay ang panahon at di magbago at okay ang dagat. okay ang banka. bonus na lang na makakita ng dolphin.

first time kaya ng aking anak na makasakay ng banka, at malalim ang dagat ha. when we sailed, i immediately asked aquim to put on his vest. hahaha kaya lang nairita at parang nasasakal siya kaya pinatanggal din. kaya naman todo-todo ang dasal ko. isang oras ding byahe yun noh!

pinagbigyan naman kami ni papa jesus. okay ang panahon at nakakita kami ng dolphin. medyo marami rami na ring banka ang nag aabang ng dolphins pero we are so lucky kasi sa pwesto namin sila unang lumabas. we had a headstart against the other groups. nung nagkakumpulan na yung ibang banca, nahiya na ang mga dolphins. hayyy.. happy. wish pwedeng magswim with them.

we had the dolphin watching near the balicasag island. but according to the locals there, mas marami and mas friendly ang dolphins sa pamilacan. oh well, next time.
after which, we decided to go to the fish sanctuary sa balicasag island nga. although hinde ganon kalalim, plenty talaga ang fishes! walang binatbat yung fishes sa batangas (san juan) nun nagsnorkle kami dun. dito, the fishes really swim with us.

since hinde pa marunong si aquim magsnorkle, nagpakain na lang siya ng fishes. hinde naman siya natatakot na makagat ng fish. ako nga nagugulat pa rin pag biglang kinukuha ng fishes yung sky flakes, siya carry lang. at mas matapang pa siya sa lola nya na hinde talaga nagsnorkle. ang lolo nya ay enjoy na enjoy talaga sa mga dagat. kami ni daddy ay salitan sa pag aalaga ka aquim. although yung guide namin offered us na sila na magtingin ke aquim while we enjoy the sea and the fishes.

nakakatuwa nga naman kasi. nakita ko si nemo at si dory. at pati ang mga anemone. na nagtatago pag hinahawakan mo sila. si manong guide, gustong gusto akong dalhin dun sa cliff na biglang magiging 100ft deep kasi mas magaganda raw ang fishes dun at mas malalaki. sabi ko ayaw ko nga. dito na lang, kahit maliet lang, enjoy na ko. hahah katakot eh noh. sabi kaya sa akin ni aquim, mommy, water lang yan. wah!

before 12 noon we headed back to the resort at dun na kami nananghalian at nagtulog. haha kami lang pala ni jason ang nagtulog. aquim contented himself playing at the sand. hukay ng hukay. si lolo at lola nya, binabantayan siya. ang salbahe kong anak, magigising na lang ako kasi binabato ako ng sand! kahit sawayin mo babatuhin ka parin. hehehe

nakakahiya nga kasi ang mga katabi namin na nakahiga ay mga foreigner at nagbabasa ng books or natutulog talaga. trying to find quiet and peace ba. tapos maririnig nila ang sigaw ko "AQUIM!" wahahaha

we also did try the swimming pool. parang today lang kasi talaga namin maeenjoy ang resort. anyway, it was a tiring but enjoyable day. kaya as usual, we had our early dinner and off we go to bed. we also watched our pictures and videos of the dolphin before dinner.

visit our family site and click the bohol page for more pictures.



No comments: