Sunday, November 15, 2009

bohol - day 1

Nov 8. woke up at 430am, we got ready and off we go to terminal 3 to catch our 830 flight. we immediately checked our bags in and ate breakfast at the 2nd floor.

Bold30 minutes before our flight, we went to our boarding gate. but apparently, our flight was delayed. we just whiled our time: sleeping, watching the airplanes or just fooling around. nangingibabaw kaya ang boses ni aquim kakatawa while we were playing.

i thought, sa ground kami dadaan at magstairs papanik ng airplane. hinde pala, meron din palang pasukan na parang tunnel. as soon as aquim stepped inside the aquim, he kept on asking us:

asan ang driver ng airplane? asan? he even asked the stewardess: asan ang driver ng airplane? hehehe

tuwang tuwa ng makakita ng mga clouds. kaso, i dont know kung nahilo or what, because ang kasama nyang first timer sa airplane, ang lola nya, ay nahilo sa pag take off at pag andar ng plane, ayan nakatulog 15 minutes before landing.

nahilo man ang parehong first timer, nag enjoy naman sa mga clouds. kahit si lola nya, parang mga mountains daw ang clouds.

this is us boarding off the plane. this time, sa ground na kami dumaan. obviously, bitin sa tulog si aquim. our car service fetched us. malamig na crosswind ba yun? or revo. magalang ang driver at pahinante. makuwento rin.

when we reach the resort, dumaluan beach resort (2), ayan super enjoy sa sand. nagplay na sa sand kahit na hinde pa nakakapagpalit ng damit. we came in the hotel just after lunch time. so we had our lunch first of chopsuey, calamares, fried chicken, crab and corn soup. all of which, hinde gusto ni aquim. kumain lang siya ng konting chicken. ang hirap talaga pakainin. anyway, we caught this hermit crab before kami kumain and he was playing with it all throughout our lunch.


after lunch, we changed into our swimming attire, thinking we can swim right away. but ang inet ng araw so we decided to just play with the sand.

i wonder what are these pupu like sand formation on the beach. ang dami kaya.

here's us enjoying the sand, especially aquim. hinde mo talaga maistorbo. play ng play sa sand. busyng busy.

finally, we decided kaya na namin ang sun rays, we decided to take the plunge! aquim enjoying the sea for the first time. natuwa naman siya, in fairness. kaya lang, medyo maraming waves at sunod sunod at medyo malalakas. isang hampas ng alon, na nakaupo siya, hahaha salpok sa face nya ang sea water.

nakalulon ng tubig, masuka suka sa alat. hahaha pero sige enjoy pa rin siya. play uli. kaya lang medyo natatakot na siya sa waves. pag nararamdaman nya na parang tinatangay siya ng wave, nagpapakarga sa lolo nya. tapos siya rin ang nag sasabi na , "water lang yan diba?", so magpapababa uli. hehehe

2 beses kaya siyang natangay ng wave at padapang napasubsob sa water. hahaha. as in plakda. nakaka awa pero part of growing up. part of growing up ha, pero nainis ako sa daddy nya kasi feeling ko malulunod naman ang anak ko noh!

sandali lang kami sa water, kasi feeling ko magiginaw na si aquim. hapon naman na kasi, mga 4 na siguro yun. umahon na kami at nagbanlaw lang konti sa swimming pool. tanggal ang sipon ni aquim sa sea water. tulo talaga lahat. hehehe.

around 630-7, after we have bathed and changed our clothes, we had our dinner: no picture this time kasi while aquim is eating his dinner, nakatulog na! hahaha so salitan na lang kami sa pagkain. anyways, our dinner was chop suey again (request ni tatay), inihaw na liempo at fried beef. while aquim had carbonara with garlic bread.
for more of our pics, please go to our shutterfly account and view the bohol 2009 page.
.

No comments: