19 weeks na kami, yey! salamat sa diyos. at madami dami na din ang humuhula kung babae ba or lalake ang magiging anak namin. we’re very open naman na ang gusto ko babae, at si jason, siyempre lalake. pero siyempre, kahit ano naman okay sa amin, basta healthy, happy and safe kami. pero… so far ... madami na ang humuhula na babae ang anak namin. wwan ko lang. pero kahit si jason, ang hula nya, babae ang anak namin. ako naman, ang hula ko, lalake! Hihihi.. baliktad kami noh?
excited n nga ako na magpaultrasound kami. hinde naman dahil sa gusto ko na malaman kung girl or boy, pero gusto ko lang na makita na talaga si baby. hehehe. kung pwede nga lang mag usap na kami eh. alam mo yun.. kooochi koochi kooo……. hinde pa kami nagpeprepare ng name. wala pa din akong iniisip about baby things. basta, we’ll take it one step at a time
changes
chan – dati nang malaki ang chan ko pero kakaiba ngayon, kasi parang banat na banat na siya. feeling ko nga, wala ng ibabanat pa eh. pParang ito na ang pinakamalaki kong chan, ever. hinde ko na alam kung ano ang ichura ko dahil alam kong lalaki pa siya!
pusod – dating pabilog at maliet at cute, ngayon, hiklat na siya at medyo bilohaba na na parang nakangiti. pero cute pa rin naman. hehehe. medyo natatakot ako at baka lumuwa siya. hehehe. eh pero kung talagang luluwa, edi lumuwa! bring it on. Hehehe.
sabi ko nga sa sarili ko, lahat ng changes, i will welcome it with open arms, kung para ke baby. tara! kung morning sickness will last all through out my pregnancy, every time of the day, ok lang, kung it will only mean na healthy ang baby naming, sige ba. pero salamat sa diyos, all 19 weeks, 3 times pa lang naman ako nagsuka.
weight gain/figure – losing my "figure" is no big deal din naman with me. ayaw ko lang tumaba ng sobra na magiging cause para mahirapan kaming dalawa ni baby. so far, from 124lbs, 130 na ko ngayon (dated mar10).
clothes – siyempre, masisikip na ang aking mga damit. me iba akong nasusuot pa, yung iba hiram sa kapatid ko. pero ok lang, naipag shoshopping naman ako ni jason! (hehehe advantage ata to). gusto pa nga ng nanay ko ang bilhin ko eh yung mga flowerets at mga bestidahin. wwww.. 'yoko non, not my fashion sense. meron naman damit pang buntis na parang pang normal na tao lang, medyo altered lang to suit a preggy body’s figure. dun na lang ako. at diba, ang mga uso din naman na damit ngayon is parang pangbuntis, like yung mahahaba na me mga shearing sa gilid or tali tali, or parang empire cut. ganon. i’ll try to post pics ng mga preggy get up ko.
boobies – lumalaki sha, namili na nga ako ng bagong brassieres eh, kasi feeling ko hinde ako makahinga na. naks, would you believe, 36b at 36c na ang binili ko? hihihi. paglaki at pag itim ng areola at nipples, sige ok lang din. i just wish and pray na bumalik siya sa dati, yung lang ang pwede kong gawin. actually, kelan kaya me lalabas dun?
stretch marks at varicose veins – kung me mgagawa ako para hinde siya lumabas, i'll really try. Lahat ng safe preventions gagawin ko. naglolotion ako, chaka sana maging elastic talaga ang akin skin.
mobility – masakit lang talaga sa likod/balakang. wan ko, hirap tumayo, umupo, basta parang me osteoporosis. Hehehe. chaka yung pag tulog, lagi lang talaga ko nakaside view. conscious effort yun. hinde talaga ako nahihiga on my back. kahit tulog nako, conscious ako not to do that.
so far naman, blooming naman daw ako sabi ng mga tao. japorms pa din naman. hinde naman ako kasungitan. paminsan lang. pero natural ko na yun eh, ang pagiging blooming! hehehe
No comments:
Post a Comment