this is just an update to remind everyone who 'regularly'(?) reads my blog that i'm still here ...
medyo busy lang and nagkasakit kasi ang aking unico hijo kaya hinde nakakainternet.
aquim had pneumonia. nagkaubo ubo lang siya na parang nasasamid nung week of october 20-25. sobrang dalang and hinde regular so i can not tell kung iuubo ba talaga. pero by october 25, pinacheck up namin siya and was given loviscol. that night, nag grabe lalo ang ubo nya and nilalagnat na. after two days, i informed his pedia that his condition did not improve a bit, so we switched to ambrolex. by wednesday night, october 29, we rushed to the ER of medical city. sobrang wasted na kasi si aquim. grabe.
thru x-ray and blood test, it was confirmed that he had viral pneumonia. salamat sa Diyos at hinde naman kami na-admit. we were given antibiotics, for 7 days yun. so ang aking kina eexcited-an na trick or treat ay hinde nangyari kasi kami ay nasa bahay lang. pati nung all saint's and all soul's day.
hayy.. talaga naman na mas gugustuhin ko pa na nag-aaway kami ni aquim dahil sa kakulitan kesa yung nakahiga lang siya.
ngayon okay na si aquim. hinde naman nagrelapse yung ubo nya. so i guess completely wala na yung mga plema sa lungs nya. although the last 3 days, nilagnat na naman siya, shot up to 38.8 degrees celcius. wala naman akong makitang reason kasi hinde naman siya inuubo or sinisipon. baka nag iipin lang. if lagnatin siya uli, to give us all peace of mind, dadalhin na naman namin siya sa pedia nya.
anyway, another news, we now have our yaya, si yaya ana. we got her lat november 16. kakilala siya ng yaya ng pinsan ni jason. so far so good. nasa adjustment period pa kami. sanay na naman siya na mamasukan so the adjustment is more on our side. kasi hinde naman ako sanay na me helper. kahit nung mga bata pa kami, wala naman kaming helper, so imagine kung pano ako napapraning na bantayan ang mga ginagawa nya.
haha. at sinusumbong ko ke jason ang mga ginagawa nya para si jason ang magsabi sa kanya. hahaha. good cop, bad cop. pero ngayon medyo nakaka adjust na kami, although simula ng dumating siya, mas lalong naging maka-mommy si aquim. haha. laging naka "mommy". nakakatunog ata ang aking anak kung bakit kami kumuha ng helper.
we had her undergone a pre-employment check up, xray and hepa test. i'll get the results today. hopefully okay ang results. we're still on the process of securing our house kaya hinde ko pa rin maiwan totally ang house and si aquim sa kanya. hopefully before the year ends, pwede na akong maka alis ng house and iwan silang dalawa. dry run period ba.
with my job hunting, wala pang balita. kasi nga kahit na may yaya kami, hinde ko pa rin naman sila maiwan kaya hinde pa rin ako makapag hanap ng work. and nasabay pa nga na nagiging sakitin si aquim these past few weeks. anyway, i just had a single interview before maER si aquim. and wala pang balita. sana next week, i can really focus on this. mas feeling ko kaya ngayon, i'm really useless! haha kasi naman yung mga household chores ko me gumagawa na ngayon, feeling ko talaga tambay na tambay na ako.
and lastly, i have painted 3 more subjects. a flower, flamingoes and a hotair balloon. will try to post the pics tomorrow.
so there.