WARNING: MAHABA TO, SO TIYAGAAN NA LANG :)
July 20, 2007 – 37weeks and 1 day, Regular check up lang dapat althouGH kagabi pa, or nung mga nakaraang araw pa ko nagrerecord ng contractions ko and aware ako na madalas na talaga ang contractions. Kagabi nga eh hinde pa ko nakatulog kasi feeling ko kahit tulog ako at relaxed, naninigas talaga ang chan ko. So when I had my time with the Ob , nag IE kami. And ganon, sabi nya 3 cm nako and 70% effaced na daw. Kumain na daw ako at magpa admit na daw ako. Kumuha ng room at magpunta sa prelabor room. Manganganak na daw ako, baka gabi or madaling araw.
So kinabahan ako. Kinabahan na nalungkot na na excite. Kinabahan kasi syempre manganganak nako!! Im not prepared. I was hoping na magfull term kami. Nalulungkot kasi parang maghihiwalay na kami ni baby, naeexcite kasi naman magkikita na kami finally.. weird ko noh? Hehehe
Anyways, we had our lunch. Parang hinde ko nga nalasahan. Lumilipad and isip ko. Tapos nagpareserve na kmi ng room. By 2pm, nasa prelabor room na ako. Chineck ang baby, heartbeat vs contractions. Ok pa naman. Pinagbihis na ko ng hospital gown. Binigay na lahat ng gamit ke Jason. Nagkiss na din kami ni jaosn. Alam ko, matagal bago kami magkita ulet. Inedema na din ako. So lahat ng kinain ko.. bale wala na din.
By 230, inilipat na ko sa labor, 3cm pa din. Buti n lng me magazine akong binili, dahil alam ko mejo mtatagalan ako. Basa basa lang. me mga kasama ako dun. Nurses and mga naglelabor din. Kikinig din ako sa mga wentuhan ng nurses, midwives and doctors. Kasi diba, andon si claudine , nanganak sha ng jul19 and bday nya ng jul20, so madaming ta-artits sa hospital. me mga cake pa nga ang mga nurses, galing kina claudine. maki chika ba!
Mga 430, 4cm na ko. Bagal daw ng progress, pinaglakad pa ko dun sa labor room. lakad lakad. Yun mga kasabayan ko, nanganank na. ako, andon pa. hinde naman ako in pain pero sunod sunod na contractions. Oo alam ko, kasi all along me nagbabantay sakin, nirerecord ang contrcactions ko and binbantayan heart beat ni baby. So pasyal pasyal. Lakad lakad. After about 30 mins, balik nko sa pwesto ko.. ganon pa din.
Mga 6 pnapaepidural na nila ko. Kahit daw hinde pa ko in pain kahit malakas na contractions ko. Kasi daw pag masakit na contractions ko, mahirap na magepidural. Tapos sabi, i-iinduce na daw ako kasi malaks na contract ions, matagal na labor, hinde pa ko nagpoprogress, baka ma affect na daw ang baby. Ayoko sana , gusto ko sana magnormal progress kami. I was asking the midwife kung ano implications and side effects nun. Itanong ko n lng daw sa doctor. Tinanong ko yun doc, sabi ko ayaw ko pa magpaepidural, sabi nya, masasaktan ka lang kasi ira-rupture na water bag mo, masakit yun, kya magpaepidural ka na. hinde naman nila sinagot un tanong ko kung baket kelangan na ko iiinduce, tinanong ko kung sobrang bgal pa ng progress at kung delikado na ba kmi, Dumating yun mage-epidural , this is another doc, tinanong ko sha ule ng implications, tinarayan ako! Baket daw tnatanong ko pa, diba sinabi n daw ng 1st doc,sabi ko ang sabi lng ng 1st doc is kaya ako ieepidural is dahil masakit dahil irrupture ang water bag. Hinde naman nya sinagot un question ko kung pwede wag ako iiinduce. Sabi ng 2nd doc, wala daw sha sa position to answer the questions. Pero she said it in a not so good manner. Ok fine. So nagepidural ako.
By 9-930dumating ang ob ko at nirupture ang water bag. Kinabitan na din ako ng oxytoxin. By 10-1030, fully dilated nako at mejo nararamdaman ko nay un sakit ng contractions. Sobrang sakit nga. Parang matatae ka na hinde mo malaman.
Punta na kami sa delivery room, naka lampas 10 ire ata ako. Parang hinde ako marunong umire. Parang hinde ko na iaaply yun ire ko pag tumatae. Hirap umire pero hinde naman ako nahirapan huminga or what. parang kaya ko umire ng umire kaya lang, nagwoworry ako baka masama na sa baby yun.
1055, babyout. Narinig ko na iyak ni baby. relieved. ang laki nya. San sya lumbas? Sopicture na kaming 2. then nadidinig ko na mga doc, baket daw ganon, ang hirap ko daw tahiin, sabi bago daw lmbas ang baby, napunit na daw ako. Tapos sa bawat pagtahi nila sa akin, napupunit ulet. Hinde na nila mapigil pagdurugo. Naririnig ko nagbibilang sila kung ilang pack ng gauze na nagamit nila sakin. Sabi buti daw hinde pa bumibigay ang bp ko kasi dami na daw dugo nawawala sakin. Ako naman, all along, cool lang. alam ko na everyting will be alright. Di ako kinakabahan kahit na naririnig ko na nagpapakuha na ng dugo ang doc, magcross match na daw. i tried din n wag kabahan talaga kasi lalo lang ako magdurugo. Sobrang madugo daw ako, hinde ko naman alam kun baket. Hinde na nila ako ni-try tahiin kasi lalo lang nagsusugat, nagpacking na lang sila. That is, pinasakan ako ng mga gauze para matigil ang pagdurugo.
After that, sa recovery room nako. Nanlalambot nako nun. Dun ko na nararamdaman ang pagod. 2 ang swero ko. Hinde na alam kung san padadaanin ang blood transfusion, tanda ko nilipat ata ang isa sa paa…dami tumutusok sakin to check my blood. Uhaw na uhaw na ko. Ambilis daw ng heartbeat ko. And that is a bad sign. Kasi baka bumigay ang puso. From 12midnite to 7am nasa recovery room ako, GISING. kahit na ininjection na ko ng benadryl at groge na ko, hinde ako natulog. Ayaw ko matulog kasi baka hinde ako magising. Nagmamakaawa/nangungulit ako na bigyan ako ice chips. Kasi sobrang uhaw nako. Sabi ko pano magpa-function ng tama ang systema ko , gutom ako, uhaw. Bigyan nyo ko ng ice chips and I will be ok. Nanlalambot na kasi ko tlaga. Tapos groge. Tapos pagod.
By 8am nasa kwarto ko na ko. Nakita ko na si Jason. Hay..parang ginaw na ginaw naman ako, tapos hinde naman ako makatulog. Pagod pero hinde makatulog. Nanghingi lang ako ng tubig ke Jason, dahil sobrang uhaw. Unte unte magrererecover ang katawan ko, alam ko. kasi ba naman, jul19 di nako nanaktulog maige, tapos di rin ako nakatulog magdamag after manganak, tapos ngayon hinde naman ako makatulog. Nun dinalaw ako ng ob ko, sabi nya, kung alam lang daw nya na ganon ako kahirap tahiin, nahirapan kasi sila, CS na lang daw sana ako, mas mdali pa para sa aming lahat. Next time daw, CS na ko.
Kahit nasa kwarto nako, naka catheter pa din ako, sa ihi at sa epidural. Kelangan ko pa ng epidural kasi me packing pa ko. Masakit yun pag tinanggal kaya hinde p inaalis ang catheter sa epidural. Hinde pa din kmi nagkikita ulet ng baby ko. Pinapapicture ko lang sha pag dumadalaw sila sa nuersery tuwing viewing time. Feeling ko kawawa ang baby ko kasi hinde sha dnadalaw ng mommy nya. Me naka tag nga daw sa higaan nya na ‘for breastfeeding’. Hinde kasi ko makapunta ng nursery kasi hinde pa ko pwede tumayo habang me catheter. Hinde ko naman sha mapa room in kasi hinde pa nga rin ako makakilos so prang 2 pa kming aalagaan sa room.
Then nung sunday, unte unte na natatanggal ang mga swero ko. Hanggang wala na kong swero. Sunday afternoon, tinanggal na pakcing ko at tinanggal na din catheter ko, una sa wiwi, then maya yun sa epidural. Sunday nite, pinayagan nako umupo at tumayo. Kaya pina room ko na ang baby. Hay..sa wakes nagkita kami ulet!